Cry No Fear, nakakaiyak ang sinapit sa takilya; Ella Cruz, inamin ang relasyon kay Julian Trono

NOEL FERRER: Napaamin ni Tito Boy Abunda si Ella Cruz na boyfriend na nito si Julian Trono sa kanyang show kagabi, June 20.

Nadulas si Ella about their sweet nothings pati na ang kanilang IG and text exchanges.

lto’y habang nagpu-promote sila ni Donnalyn Bartolome ng kanilang pelikulang Cry No Fear, na nakakatakot ang resulta ng opening day sa takilya.



Mahina raw ito with a measly 350K gross sa pagbubukas nito kahapon.

Nasaan na kaya ang ating moviegoers na susuporta sa local films?

JERRY OLEA: Crayola na, fearful pa?!

Huwag naman sanang paratangan na jinx o box-office poison si Ella.

Hopefully, hindi ito ma-pull out agad-agad sa mga sinehan at nawa’y malagpasan nito ang hinamig sa takilya ng previous movies ni Ella na Fangirl/Fanboy at Squad Goals.

Sipag-sipagan pa sana ng publicists ang pagpo-promote ng pelikula!

GORGY RULA: Meron talagang artista na unang tingin mo pa lang, nakikita mo nang sisikat, di ba?

Napanood ko kasi ang interview na yun ni Kuya Boy kagabi, at kahit kinikilig-kilig na si Ella nang napag-usapan na si Julian Trono, wala akong napi-feel na kilig.

Siguro mabigyan lang sila ng magandang project at tamang chemistry sa makaka-partner (parang mala-Nadine Lustre at James Reid), bobongga niyan si Ella.

Tingin ko, darating din ang tamang panahon para sa kanilang dalawa.

Ang maganda lang, marunong sa buhay sina Ella at Donnalyn.

May Events Place pala sina Ella sa Bulacan at mukhang maganda naman nung ipinakita ito sa TV.

Si Donnalyn naman, may hair extension na business at wagi iyan sa mga kababaihan.

Magaling pang kumanta si Donnalyn kaya maraming puwedeng gawin sa kanya para maging big star.

Good luck!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN