Dating karelasyon ni Mayor Herbert Bautista, nag-post ng video kasama ang kanilang anak

by PEP Troika
Jun 22, 2018

NOEL FERRER: Kung si Kris Aquino ay may mahabang litanya at pagpaparinig tungkol kay Mayor Herbert Bautista, si Karla Estrada naman ay naglabas ng family picture ng kaibigan niyang si Tates Gana at ni Bistek sa abroad bilang treat sa anak nilang si Athena.

Samantala, tahimik at simple lamang ang mensahe ni Eloisa Matias para sa kaarawang ng isa sa dalawang anak niya kay Mayor Herbert—si Race.

Ang isa pa nilang anak ay si Cray.

Mensahe ni Eloisa, “HAPPY, HAPPY 21st BIRTHDAY, my dearest son, Race Matias!!!!! With all our love --- DAD, MOM, CRAY with Shady and Kellie.”


Continue reading below ↓

Mayor Herbert Bautista with Eloisa Matias and their children Cray (extreme left) and Race (extreme right)

Kalakip ng message ni Eloisa ang video showing Mayor Herbert saying sorry and trying to make up for lost time, na magalang namang sinuklian ng anak ng mahigpit na yakap at pagapasalamat.

Si Race ang anak ni Mayor Herbert na nanalo ng international filmfest awards for his short films at nakatakdang magtapos sa film school sa September.

Nakahanda na sina Herbert at Eloisa na um-attend ng graduation ceremony ng ipinagmamalaki nilang anak sa film school sa Los Angeles.

Inaanak ko itong si Race at heto ang mensahe ko sa kanya:

“I am thankful that you have grown up to be an intelligent, respectful and loving son Race and I can’t believe that you are now 21 (and graduating with honors). Wow!!!

"Obviously, you have been raised well (pun intended) - by parents who are just filled with goodwill and class - who have never been consumed by noise and controversies.

Continue reading below ↓

"Honor them well Race with your many talents and yes, your good sense and character.

"Congratulations and see you in September!!!"

Oo, darating sa bansa ang anak ni Bistek sa September, at marami siyang puwedeng gawin: magdirek, umarte, mag-host at magsanay pa ulit sa filmmaking.

He is just so open to do creative stuff. Mana sa ama at ina!

JERRY OLEA: Love love love natin si Bistek.

Kung kakarera sa showbiz ang anak niyang si Race, inaasam natin na magkaroon siya ng sariling puwang dito.

Welcome ang fresh talent na gaya ni Race sa evolution ng Pinoy entertainment!

GORGY RULA: Tingin ko talaga sinadya iyang pag-post ng mga anak ni Mayor Herbert kasama ang dating karelasyon.

Pambalanse na lang siguro sa mga pasabog ni Kris tungkol sa QC Mayor.

Kaya tama na rin ang desisyon ni Mayor Herbert na putulin na ang pakikipagrelasyon kay Kris. Ang ingay, e!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results