Ai-Ai delas Alas, nakiusap na huwag i-upload sa social media ang mga eksenang nagmumura siya

GORGY RULA: Nakiusap si Ai-Ai delas Alas na huwag daw sanang i-post sa social media ang mga eksena niya sa pelikulang School Service, entry ni Direk Louie Ignacio sa 2018 Cinemalaya Independent Film Festival.


Ginagampanan ni Ai-Ai ang role ng miyembro ng isang small-time syndicate na sobrang bad siya rito at madalas daw ang pagmumura niya.

Ang dami kasing nag-uusyuso sa shooting nila at marami ang kumukuha ng video.

Pinakiusapan daw niyang huwag i-post ang mga eksenang nagmumura siya.

“First time nila na maririnig akong saying bad words,” pakli ni Aiai sa presscon ng concert ng Ex Batallion.

“Nakakatuwa lang kasi yung mga nanonood, pumapalakpak sila.

“Sabi ko, ‘Ate, huwag niyo i-upload kasi ang bad ko, e. Tawa sila nang tawa,” dagdag niyang kuwento.

Aminado si Ai-Ai na talagang nanibago siya sa role niya sa pelikulang ito, at hindi raw siya talaga sanay magmura.

“First time ko naging bad sa movie.

“Yung iba patawa lang, e. Eto seryoso.

“Dati kasi, yung mga kontrabida ko, puro comedy lang,” sabi pa ni Ai-Ai.

Maaaring iniisip lang ng Kapuso Comedy Queen ang pagiging Papal awardee niya.

JERRY OLEA: Nagpapakaseryosong aktres si Ai-Ai, pero alam naman ng mga tao, lalo na ng kanyang fans, na akting lang ang napapanood sa kanya sa pelikula.

Nawa’y kilalanin muli ang husay ni Ai-Ai sa pagdadrama.

Try and try lang si Ai- Ai hanggang maging best actress siya sa Gawad Urian!

NOEL FERRER: Mahirap nga namang ma-take out of context ang mga eksena, lalo pa’t kailangang mapanood ang buong kuwento ng entries sa Cinemalaya.

Para sa female performances sa Cinemalaya, maliban kay Ai-Ai sa School Service, excited din kaming mapanood si Celeste Legaspi sa Mga Bisita Ni Mamang (directed by Denise O' Hara), si Tita Perla Bautista sa Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon (directed by Carlo Enciso Catu), at siyempre si Iza Calzado sa Distance (directed by Perci Intalan).

Dahil sa kanila, pati na ang iba pang pelikulang lahok, kapana-panabik na ang Cinemalaya ngayong taon.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN