Alden Richards-Vilma Santos movie project, ikakasa na?

GORGY RULA: Isang Vilmanian ang nagsabi sa aming may isang producer palang may magandang movie project na bagay na bagay raw para sa Star for All Seasons.


Wala pa naman daw napagdesisyunan si Cong. Vilma Santos sa naturang offer, pero ang gusto sana nilang makasama niya para rito ay si Alden Richards.

Type din pala ng karamihang Vilmanians si Alden, at bagay raw kung tatanggapin ni Cong. Vi ang project na yun.

Tinanong namin ang taga-GMA Artist Center kung may ganun nga bang offer kay Alden, pero wala pa raw silang natatanggap.

Sa totoo lang, isa raw sa mga pangarap ng Pambansang Bae ay makasama si Cong. Vi at ilan pang kilalang veteran stars.

Tuwang-tuwa nga raw si Alden nung binanggit ni Kris Aquino na gusto siya nitong makasama sa isang project.

Sana magkaroon nga raw ng chance na makagawa siya ng isang magandang pelikula kasama ang ilang kilalang senior stars na nabanggit.

Dream din daw ni Alden na makatrabaho sina Aga Muhlach at Gabby Concepcion.

Pero sa ngayon ay focused muna si Alden sa bagong action-fantasy-drama series niyang Victor Magtanggol.

Ipinakita na nga sa 24 Oras kagabi, June 22, ang costume niyang matagal ding nabuo.



Proud si Alden na purong gawang Pinoy ang costume ni Victor Magtanggol.

“Everything is purong Pinoy. It’s all Filipino talent, effort, blood, sweat, tears, all in one project,” pakli ng bida sa Victor Magtanggol.

Ang hirap din daw nang pinagdaanan niya bago nakuha ang tamang fit para sa costume.

Matagal daw pinagtalunan ang color scheme nito, pero nabuo na rin finally.

Kahit mukhang mabigat ang costume, kumportable naman daw si Alden at magaan daw itong dalhin sa mga action scenes niya.

How true na bongga rin ang location na kukunan ng action scenes suot ang naturang costume?

First week of July ay nakatakda na silang lumipad para kunan ang mga mahahalagang eksena at action scenes kunsaan suot ni Alden itong Victor Magtanggol costume.

JERRY OLEA: Nagkasama na sina Nora Aunor at Alden sa short film ni Direk Adolf Alix Jr. na Kinabukasan.

Isa si Alden sa paboritong aktor ni Direk Adolf kaya gusto niyang maidirehe sina Alden at Nora sa isang full-length feature.

Sa presscon ng pelikulang I Love You, Hater recently sa Dolphy Theater, sinabi ni Kris Aquino na kung kaedad niya si Julia Barretto ay pipiliin niya si Alden Richards kesa kay Joshua Garcia.

Katuwiran ni Kris, “Ang kay Julia, kay Julia na. Si Alden, libre pa.”

At heto, bet ng Vilmanians si Alden para makasama ng Star for All Seasons sa pelikula.

Wish ko namang makatambal ni Vice Ganda si Alden sa MMFF 2018 entry nito!

NOEL FERRER: All the attention and the good breaks are coming to Alden.

Sana naman ay tumaas pa ang status at respeto sa kanya bilang aktor.

Pero paano na ang ALDUB?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN