Young actress na mahilig sa kandungan, mag-oober da bakod na?

JERRY OLEA: Malambing ang young actress na ito at walang keber na kumakandung-kandong sa mga kaibigang bading.

Baguhan pa lang sa showbiz ang young actress ngunit palipat-lipat na siya ng kandungan.

Siyempre pa, nagkandungan sila ng dakilang aktor na nakatambal niya sa isang teledrama.

Kapwa artista ang parents ni dakilang aktor.

Naugnay rin ang pangalan ni young actress sa isang atleta na kaibigan ng aktor na pambihira ang taglay.

Sandali lang ang kanilang ugnayan, at kamukat-mukat mo’y may iba nang kalambingan si young actress.

Tila naligaw ang puso ng young actress sa pogilicious commercial model, na ang parents ay pareho ring artista.

Ewan kung hanggang kailan ang kanilang lambingan o kandungan.

Ang latest na nasagap namin, mag-oober da bakod si young actress.

Tinatapos na lang ni young actress ang kontrata sa kanyang mother studio, at lilipat na siya sa kabilang network.

NOEL FERRER: Kung si Rayver Cruz nga na homegrown talent at sabihin na nating nagkaugat at nakilala na sa Kapamilya network ay pinakawalan pa nila, I’m sure hindi kawalan ang artistang babaeng ito sa network stable of stars.

Sana talaga gumanda na ang PR nitong batang aktres na ito.

Teka teka, kinukuha ba siya talaga ng katapat na network? O siya ba ang nagpresinta?

Network contract? I doubt!

GORGY RULA: May konek kasi sa kabilang network ang manager ni young actress.

Karamihan ay dun nakakontrata ang mga artista niya.

Kaya lang dalawa na sa alaga ni manager ang nabuntis nang maaga.

Naku! Huwag sana mangyari sa young actress na ito dahil magaling at promising naman siya.

Medyo mag-behave lang sana siya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN