Bortalicious aktor, may "beautiful memories" sa premyadong direktor

by PEP Troika
Jun 23, 2018

JERRY OLEA: Kay ganda ng working relationship ng premyadong direktor at premyadong young actress.

Smooth ang shooting nila, at panay-panay ang papuri nila sa isa’t isa.

Ang konek nila ay “una kang naging akin.”

Ang bortalicious actor na kasintahan ng young actress, may “beautiful memories” sa beteranong direktor na walang angst sa pagiging bading.

Smile lang si Direk kapag inuurirat tungkol sa nakalipas nila ng bortalicious actor.

Hindi naman ito ang una o huling taga-showbiz na dumaan sa mapagpalang palad ni Direk.

Secure si Direk sa kanyang ganda, at hindi na kailangang hagkan pa niyang muli ang nakaraan nila ni Borta.

Ang nakakalokah, may isa pang maimpluwensyang bading na naunang pinusuan ang aktor na talap-talap ang katawang lupa.

NOEL FERRER: Hayyyyy naku, sana naman mahawahan talaga ng husay itong bortalicious actor ng kilalang direktor at batang aktres.

Sana hindi lang ang katawan niya ang pagnasaan... pero ano pa nga, Tito Gorgy?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Hindi lang itong si bortalicious aktor ang nali-link kay Direk, e.

Meron pa raw.

At hindi lang si Direk ang natsitsismis kay bortalicious aktor, kundi may isang powerful na bading na super-tulong din daw sa career ni aktor.

Matagal na ring kalakaran iyan. Hindi na bago.

Mukhang gumaganda naman lalo ang career ni aktor.

Tuluy-tuloy pa rin daw ang workshop at magaganda naman ang projects na binibigay sa kanya.

Curious lang ako kung paano nababalanse ng magkasintahan ang relasyon nila.

Pareho kasi silang career talaga ang priority, kaya hindi ko alam kung paano nila nabibigyan ng halaga ang kanilang relasyon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results