James Yap, Marc Pingris, Ricci Rivero, iba pang celebs nakipagbasaan sa San Juan!

by PEP Troika
Jun 24, 2018

GORGY RULA: Nag-enjoy ang ilang celebrities na nakisaya sa Basaan Festival sa San Juan kaninang umaga.

Sa imbitasyon ni dating San Juan vice mayor Francis Zamora, nakisaya sa parada ng basaan sina James Yap, Marc Pingris, Ricci Rivero, Don Allado, Daiana Menezes, at Brandon Vera.


Continue reading below ↓
Mark Pingris nakipagbasaan sa mga taga-San Juan.

Celebrities sakay ng firetruck. Brandon Vera enjoy sa basaan.

Sumakay sila sa firetruck at nakipagbasaan na sumabay sa mahabang parada.

Enjoy na enjoy si Brandon na first time lang daw niyang sumali sa ganun.

Sa sobrang laki niya, siya na ang tumayong security sa mga kasamahang celebrities lalo na kay Daiana at sa asawa niya.

Ang basketbolistang dating taga-La Salle na lumipat na ng UP na si Ricci Rivero ang pinagkaguluhan at tinilian nang husto.

Si Brandon naman ay sumingit sa pag-promote ng pelikula nila ni Anne Curtis na Buy Bust. Sa August na raw ang showing nito.

Binanggit niyang matagal na pala niyang wish na maging artista, at natupad nga ito sa Buy Bust.

Bukod sa mga action scenes nila ni Anne, abangan daw kung paano siya mag-Tagalog dahil talagang pinag-aralan daw niya ito.

“Kayo ang magsabi sa akin. Let me know masa how my Tagalog is. Kung okey ba o hindi,” napapangiti niyang pahayag.

Continue reading below ↓

Si James naman ay iniiwasan nang itanong sa kanya ang tungkol sa isyu nila ni Kris Aquino at ng anak niyang si Bimby.

Umiling lang ito nang tinanong namin kung binati ba siya ni Bimby nung nakaraang Father’s Day.

“Mabuti tahimik na lang,” safe na sagot ni James.

JERRY OLEA: Tradisyon ng San Juan City ang basaan kung Hunyo 24 na kapistahan ni San Juan Bautista (St. John the Baptist).

Ito ay bilang pagpaparangal sa pagbibinyag ni San Juan kay Hesus.

Marami pang bayan at lungsod sa bansa na patron si San Juan Bautista ang may basaan.

Happy fiesta!

NOEL FERRER: Happy basaan sa mga taga San Juan!

Dito naman sa Ormoc, happy pinyahan.

So enjoy lang ang lahat—kasama ng isang celebrity diyan sa San Juan na balitang may colorful love life sa isang sikat at magandang celebrity!

Happy Fiesta!!!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results