Richard Gomez, mabenta ang "suggestive" paintings

JERRY OLEA: Nagkalat ang paintings ni Mayor Richard Gomez sa sala ng bahay nila ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez sa Ormoc City.

Maliban sa sports ay stress-reliever ngayon ni Goma ang pagpipinta kapag may oras siya.

Sa salansan ng kanyang art works ay kinuha at ipinagmalaki ni Goma ang painting na natapos niya two weeks ago.

Ka-partner daw ito ng controversial painting niya na untitled, na nabenta sa presyong umabot sa six figures.


4 x 4 naman ang bagong painting ni Goma na acrylic, at ipapa-frame pa lang niya ito.

Ang pagpuwesto nito ay pa-diamond.

Siya mismo ang nagsandal ng painting sa haligi.


Sabi pa ni Goma, the best way to appreciate it ay hinihimas-himas, at nag-demonstrate pa siya.

Pilyung-pilyo ang ngiti ni Goma nang magpa-picture kami with the painting.

Sinabi sa amin ni Goma ang title ng painting.

Salitang Tagalog iyon.

Limang titik.

NOEL FERRER: Sabi nga ng asawa ni Goma na si Congresswoman Lucy sa bagong painting nito, “It’s what you make of it!”

Pero matigas ang bilin nito na, “Please don’t print his proposed title, ha?”

Grabe ang demand sa mga paintings ni Goma.

Nilinaw din namin kay Lucy kung tunay na last term na niya ito bilang Congresswoman.

Sabi niya, nasa second term pa lang daw siya at pangatlo pa lang sa susunod niyang pagtakbo next year.

Kung paano nangyari yun ay blessing-in-disguise daw.

Kayo, ano sa tingin niyo ang magandang title ng bagong painting ni Mayor Goma?

The more ceative and imaginative, the better!

GORGY RULA: Parang gusto kong i-suggest na title ang dating pen name kong Tilamzik.

Pero sa totoo lang, nakikita ko rin dati sa mga nakaraang posts ni Mayor Goma na may mga activities siyang pinagpi-paint ang mga kabataang taga-Ormoc.

Arts at sports ang pinu-promote niyang makahiligan ng mga kabataan para mapalayo sila sa mga bisyo kagaya ng droga.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN