James Yap, sasabak sa pulitika?

GORGY RULA: Kapag tungkol kina Kris Aquino at Bimby ang tinatanong namin kay James Yap, madalas niyang sagot sa amin, “Tinatawag na ako, e.”

Sandaling nakausap namin ang kilalang basketbolista sa Basaan festival sa San Juan kaninang umaga, at sinabihan na kaming huwag na namin siyang kulitin tungkol sa isyu nila ni Kris.

Natuwa lang siya nang kinumusta namin ang partner niyan si Michela Cazzola na malapit nang manganak.


Anytime next week ay manganganak na raw si Michella, kaya bukas, June 26, ay darating na raw ang mga magulang ng kasintahan niya para samahan ito sa panganganak.

“Next week na.

“Excited ako, first baby girl ko, e,” matipid na pahayag ni James.

Kakaiba raw ang excitement na naramdaman niya dahil ngayon lang daw siya magkaka-girl na anak.

Si Michela na lang daw ang tanungin namin kung ano ang ipapangalan nila sa baby.

Desisyon din daw ni Michela na huwag munang ilalabas ang litrato ng baby habang bata pa ito.

Gaya ng panganay nilang si Baby MJ, halos mag-one year nang ipinost nila sa social media ang litrato ng bagets at ipinakita ang mukha nito.

“Nag-usap kami ni Mic, ayaw daw muna niyang ilabas habang baby pa,” sabi ni James.

Sinundan namin ng tanong kung binabalak na ba nilang magpakasal.

“Wala pang kasal,” mabilis niyang sagot sa amin.

Ang isa pang balitang nakarating sa amin, si James daw ang kinukumbinse ni former San Juan Vice Mayor Francis Zamora na magiging running mate niya sa 2019 elections.

Napapag-usapan na rin kasing kakalabanin ni Francis si Vice Mayor Janella Estrada na tatakbong alkalde ng San Juan.

Wala pa kaming naririnig na running mate ni Janella, pero baka nga si James Yap daw ang ilalaban sa magiging Vice Mayor ni Janella.

NOEL FERRER: Naku, Tito Gorgy, hindi kaya ma-special mention ka na naman ng favorite mong New Media Star na si Kris Aquino dahil sa item na ito?

I’m sure ang point ng mga tagasuporta ni Kris would be, “charity begins at home.”

So, bago muna mag-isip ng mas malaking responsibildad, ayusin muna ni James ang tungkulin niya sa sariling pamilya.

What do you think, Tito Jerry?

JERRY OLEA: Dugong-pulitiko si Kris kaya hindi tayo magtataka kung kumandidato siyang senador.

Pero tahasang sinabi ni Kris na hindi siya tatakbo sa 2019 elections.

Ang P40M-question: handa ba si James na pumasok sa mundo ng pulitika?

Nasa puso ba niya ang paglilingkod sa kapwa?

Your answer is as good as ...

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN