Edgar Allan Guzman, tama ang desisyong i-prioritize ang career kesa love life

by PEP Troika
Jun 25, 2018

JERRY OLEA: Natapos na nina Maxine Medina, Chai Fonacier, at Edgar Allan Guzman ang shooting ng pelikulang Pinay Beauty.

“Nakapag-dub na ako at may draft na kami ng poster,” masayang balita ni EA bago magsimula ang streetdance parade sa 2nd Piña Festival ng Ormoc City nitong Hunyo 24, Linggo ng hapon.


Continue reading below ↓

“Nagdadasal kami na makapasok ito sa PPP (2nd Pista ng Pelikulang Pilipino sa Agosto).

“Tungkol ito sa isang Pinay, sa beauty ng isang Pinay, si Maxine Medina na isang artista [ang karakter].

"'Tapos, si Chai, gusto niyang magparetoke. Gusto niyang magpaganda.

“Doon lalabas yung kung maganda ka ba talaga, at masasabi mo sa sarili mo, ‘Maganda ako.’

“Ako yung boyfriend, yung apple of the eye dito ni Chai Fonacier. Magdyowa kami dun.

“Ako yung tutulong sa kanya na maging maganda. So, gagawin ko lahat para sa kanya.

“Kumbaga, isa akong martir na boyfriend para kay Chai, doon sa movie.”

Hindi na namin inurirat kung martir-martiran ba siyang BF sa totoong buhay dahil maganda at masaya ang disposisyon niya habang kasa-kasama namin siya sa Ormoc.

Bisi-bisihan din siya sa taping ng Kapuso drama series na The Stepdaughters, kung saan magiging ka-partner niya si Joyce Ching.

Continue reading below ↓

Nagpasalamat din si EA sa SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) dahil nominado siya sa 2nd Eddys sa Hulyo 9 sa Solaire Hotel & Casino para sa pelikulang Deadma Walking.

Pahayag ni EA, “Malaki ang pasasalamat ko sa Eddys Awards, sa SPEEd, kasi sila lang yung nagbigay sa akin ng best actor na nomination.

“So, sana... sana makuha natin on July 9. Thank you, thank you sa Eddys.

“At siyempre, gusto ko ring magpasalamat sa PASADO and sa MMFF for giving me best supporting actor awards.”

NOEL FERRER: Isa si Edgar Allan sa mga talent ko na isang tawagan lang para tumulong sa mga gawain nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez sa Ormoc, agad itong nag confirm nang walang tanung-tanong at inaasahang kapalit.

Nagkasama kasi sila sa TV5 dati at hanggang ngayon ay nagkakatulungan pa rin.

Aside from being a good actor, ilalabas na rin ni Edgar Allan ang kanyang bagong kanya na INGAY na collaboration nila ni Jay-R.

Continue reading below ↓

Kaya naman sa gitna ng ingay, tuloy ang buhay at pagpapakita ng kabutihan at kahusayan para kay Edgar Allan.

GORGY RULA: Kitam?! Tama nga i-prioritize muna ni EA ang career bago ang love life.

Ramdam ko naman kung gaano niya ka-love ang huling girlfriend niya.

Pero nanaig pa rin ang pamilya kaya isinakripisyo muna niya ito, at naniniwala naman siya na sa tamang panahon ay darating ang nararapat na babae para sa kanya.

Good luck kay Edgar Allan na isa nga raw sa malakas sa darating na Eddys Awards.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results