Bong Revilla, posibleng nasa kulungan pa rin sa 52nd birthday niya sa September

JERRY OLEA: Iprinisinta ng kampo ni dating Senador Bong Revilla ang kanilang unang saksi kaugnay sa plunder case nitong Hunyo 26, Martes nang hapon sa First Division ng Sandiganbayan.


Hostile witness ito na naunang iprinisinta ng Prosecution Team noong 2014.

Bilang suporta kay Bong ay dumalo sa hearing ang maybahay niyang si Bacoor City Mayor Lani Mercado; anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla; mga kapatid na sina Rowena, Andeng, at Congressman Strike Revilla (kasama ang asawang si Chaye Cabal), at talent manager na si Manay Lolit.


Tantiya ng isang malapit na kaibigan ni Bong, hanggang Nobyembre pa ang hearing ng kaso.

“Ano?! Baka abutin pa si Bong ng Pasko sa kulungan?!” bulalas ni Manay Lolit.

“Si Jinggoy [Estrada], antagal nang nakapag-bail at nakalabas.

“Pero si Bong, nakakulong pa rin! Nakakalokah!”

Malamang sa alamang, nakabilanggo pa rin si Bong pagsapit ng ika-52 niyang kaarawan sa Setyembre 25.

GORGY RULA: Pagkatapos lumabas ang balitang nahulihan ng cell phone si Sen. Bong, hindi na muna siya tumanggap ng mga dalaw. Pamilya at malalapit na kaibigan na lang muna ang nakakapasok.

Mas gusto raw muna niyang mag-focus sa magkakasunod na hearing kung saan ay uupo rin siya bilang witness.

Ramdam namin ang hirap nya sa loob, pero nakangiti pa rin siyang nakasalubong sa amin kapag dumadalaw kami.

Nagpapasalamat pa rin siya sa patuloy na pagdarasal sa kanya ng pamilya at close friends.

NOEL FERRER: This too shall pass... with the truth coming out, and the common good prevailing!

Sana...

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN