Lolit Solis, mas may nararamdaman kay Jung Hae In kumpara kay Lee Seung Gi

by PEP Troika
Jun 27, 2018

JERRY OLEA: Sumirko ang kilay ni Manay Lolit Solis nang sabihin naming ipapalabas ng ABS-CBN ang Koreanobelang Hwayugi: A Korean Odyssey na pinagbidahan ni Lee Seung-gi.


Lee Seung Gi

“Wala ako talagang makita sa kanyang parte na maeelya ako,” hanash ni Manay Lolit nitong Hunyo 26, Martes ng tanghali, sa canteen ng Sandiganbayan.

Continue reading below ↓

“Talaga! Talaga! Kahit siguro paghubo’t hubarin mo siya, di ako maeelya.

"Ewan ko ba kung bakit ang iba diyan, elyang-elya sa kanya. Wala akong makita!

“Di bale na si Jo In-sung, kahit gurang, parang... pwedeng... konting hubad lang, maeelya na ako.

“Kay Lee Seung-gi, waley!”

Napanood na namin sa Netflix ang A Korean Odyssey (20 episodes), at in fairness ay mukhang masarap humalik ang naturang South Korean actor.

Ang Hwayugi aka A Korean Odyssey ay ipinalabas tuwing Sabado at Linggo ng 9 p.m. sa South Korea, mula Disyembre 23, 2017 hanggang Marso 4, 2018.

Mas bet ni Manay Lolit si Jung Hae-in na bidang lalaki sa Koreanobelang Something in the Rain (available din sa Netflix).


Continue reading below ↓

Jung Hae In


“Cute siya,” sambit ni Manay Lolit.

Hirit ni Manay Lolit, naeelya kay Jung Hae-in ang isang showbiz cougar.

“Hindi ko matandaan ang pangalan niya [Jung Hae-in] kaya Something in the Rain ang tawag ko sa kanya,” sambit ni Manay Lolit.

“Napanood ko siya sa Goblin [aka Guardian: The Lonely and Great God].

"Siya yung first love ng babaeng [Kim Go-eun] ano...“Day!

"Nanood naman ako ng While You Were Sleeping, siya naman yung dined dun. Na-dead!

“Ano ba ‘yan?! Extra lang siya!”

Dito sa Something in the Rain unang nagbida si Jung Hae-in. Bonggabella ang ratings nito.

Para sa mga naeelya rin kay Jung Hae-in, bibisita siya rito sa Pilipinas para sa SMILE fan meeting niya na gaganapin sa June 30, Sabado, sa KIA Theatre.

NOEL FERRER: Hindi ako ganun kalulong sa panonood ng mga Koreanovela, pero naa-appreciate ko ang kasimplehan at pagka-nanunuot ng mga emosyon at kagandahan ng kanilang production values.

Continue reading below ↓

Kapag napapanood ko nga ang mga ito, lagi kong sinasabi - given equal resources, kakayanin nating gumawa ng mas maganda pang mga kuwento at panoorin.

Kayaa mag Netflix, mas bet pa rin talaga ng Pinoy ang Tagalog version nitong mga Koreanovela na ito.

Kaya nating makagawa ng ganyan!!!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results