Walwal cast, di pa puwedeng mag-walwal; The Write Moment, wrong moment ang pagpapalabas?

by PEP Troika
Jun 28, 2018

JERRY OLEA: Ayon sa katsika naming showbiz insider, P1.5 million ang first-day gross ng pelikulang Walwal nitong Hunyo 27, Miyerkules.

Ipinalabas ito sa mahigit 150 sinehan ng bansa.

Kiko Estrada, Donny Pangilinan, Jerome Ponce, and Elmo Magalona

Ang kasabay nitong nag-open na The Write Moment ay naka-P400,000.

Wrong moment ba ang playdate ng movie nina Jerald Napoles at Valeen Montenegro, o sadyang salat sa kilig ang kanilang tambalan?

Continue reading below ↓

Valeen Montenegro & Jerald Napoles

Nega ang mga feedback na nakarating sa amin mula sa mga mapanuring nanood ng dalawang pelikula.

Sa trailer pa lang ng Walwal nina Elmo Magalona, Jerome Ponce, Kiko Estrada, at Donny Pangilinan ay inantok na kami.

Matamlay ang dating ng Jerald-Valeen, malayung-malayo sa Alempoy na tampok sa Kita Kita.

Continue reading below ↓

Ang exciting para sa amin, at totoong inaabangan ng fans... ang pelikulang I Love You, Hater nina Julia Barretto, Joshua Garcia, at Kris Aquino na ipapalabas sa Hulyo 11.

NOEL FERRER: Laban pa rin ang mga boys ng Walwal at nag-guest pa sila kanina sa Umagang Kay Ganda para mag-promote.

Napanood ko ang pelikula at maayos naman nitong nailahad ang concerns ng millennials.

Tumatak ang relasyon nina Kiko Estrada at Devon Seron sa pelikula.

Okey rin na si Cheska Diaz ang gumanap na nanay ni Kiko rito. Ang ganda ng punchline na sumpa sa angkan nina Kiko ang pambababae!

Mahusay rin ang aktingan nina Jerome Ponce at Angeli Bayani.

Nakakatuwa ang tambalang Donny Pangilinan at Kisses Delavin na talaga namang willing mapaglaruan sa pelikula. It worked, ha!

At si Elmo Magalona, iniwan ng girlfriend para sa isang babae. Wow!

Hindi ko pa napapanood ang The Write Moment, pero sana mag-pick up pa ang box-office showing ng mga pelikulang Pilipino ngayong linggo.

Continue reading below ↓

Sayang kung hindi.

GORGY RULA: Hindi pa puwedeng mag-Walwal ang mga bagets dahil di pa ganun kaganda ang first day sa box-office.

Sana pumik-up pa sa weekend. Medyo bitin pa yata sa promo.

Tingin ko naman diyan sa The Write Moment, happy na sila kahit di umabot ng P1 million ang first day dahil maliit lang naman ang expectations nila.

Pero hopia rin si Jerald Napoles na masundan nito ang suwerte ng Kita Kita.

Pero kung maganda ang feedback sa pelikula, sana humataw pa sa susunod na araw.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results