Marian Rivera, "working on it" sa second baby nila ni Dingdong Dantes

JERRY OLEA: Agaw-eksena si Tessa Prieto-Valdes nang dumating sa event ng Hana shampoo nitong Hunyo 28, Huwebes ng hapon, sa Manila House Private Members Club ng BGC, Taguig City.

Ayaw niyang litratuhan lang siya. Mas bet ni Tessa na ma-video habang umiindak-indak kasama ang mga kaibigan.
Boomerang!


Pero siyempre, pinakamaningning sa pagtitipong iyon ang endorser ng Hana... ang amoy-Marian, fresh hanggang gabi na si Marian Rivera.

Sa Q& A ay eksenadora pa rin si Tessa, na umakyat sa stage at nagpa-picture katabi ang misis ni Dingdong Dantes.

“I so love this girl!” patungkol ni Tessa kay Marian, na napangiti nang pagkatamis-tamis.

“Can I have a picture with you? Tumataas yung followers ko! Ha! Ha! Ha! Ha! Okeeyyy...

“Isn’t she lovely? I love this woman!”

In fairness, bonggacious ang hirit ni Tessa, “My question is, what is your next plan for a child?”

Tugon ni Marian, “To be honest, working on it!”

Natuwa ang mga nakarinig at ang dagdag ni Marian, “I hope... meron na. Ha! Ha! Ha! Ha! Sana...”

Boy or girl?

OK kay Marian kung ano man ang gender ng ikalawang anak niya, basta healthy.

“Given a chance, kung makakahirit lang, gusto ko naman, boy. Kasi, I have Zia na, e. Para may boy naman ako.

“Pero kung girl, OK pa rin!”

NOEL FERRER: “To be honest, working on it. I hope meron na,” ang palabang sagot ni Marian Rivera kung meron nang kasunod si Zia.

Is this the reason why hinay-hinay rin lang muna siya sa paggawa ng teleserye?

Naka-park muna ang kanyang title bilang Primetime Queen dahil she enjoys being the Queen of her household na muna.

GORGY RULA: Nakahanda naman si Marian na magka-baby anytime.

Nagkasundo sila ni Dingdong na magkaroon ng maraming anak.

Inaayos lang nilang mabuti ang schedule na kapag may soap na gagawin si Dingdong, wala si Marian.

Hindi sila puwedeng magkasabay na nagtatrabaho para personal nilang naasikaso ang kanilang anak.

Kaya si Dingdong daw muna mauuna ngayon.

Congratulations kay Marian na patuloy pa rin ang pagtitiwala ng Hana sa kanya bilang endorser. Hindi talaga siya napalitan for almost five years na yata.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN