Indie actor, pabango lang ang suot sa Cinemalaya film; GF niyang dancer, may atraso pa sa travel agent

JERRY OLEA: Napasubo ang indie actor na si Andres Vasquez sa maseselang eksena sa Cinemalaya 2018 entry na The Lookout (directed by Afi Africa).


Sa pelikulang Working Beks (2016) ay ekstra lang siya bilang kalampungan ni Prince Stefan sa CR.

Sa dulang Solo Para Adultos (ipinalabas noong Oktubre 20, 2017 at Pebrero 10, 2018) ay 2 seconds lang ang pasiklab niyang pwetmalu.

Dito sa The Lookout, nagtanggal siya ng saplot at pabango ang tangi niyang suot.

“Grabe! Sobrang hirap at challenging po yung role ko po dito bilang hired killer,” lahad ni Andres nang makatsikahan namin nitong Hunyo 29, Biyernes.

“Ito yung pinaka-challenging role/character na ginampanan ko.

“Siguro, masasabi ko po na kung isa kang actor na gusto mo ng challenging role, ito yung dream role na gugustuhin mo.

“Iyon pa lang pong paghuhubad at sex scene dito, challenge na po sa akin yun.”

Nahirapan ba siya sa frontal nudity?

“Yes po. At first, mahirap, dahil first time ko po yun, e,” tugon ni Andres.

“Pero after that, wala na... hindi na ako nahirapan. Naging komportable na ako sa mga kaeksena ko at syemore, naging casual na lang sa akin ang maghubad sa set.”

Petmalu ang romansahan nila ng modelong si Jay Garcia.

Nasa cast din ng The Lookout sina Elle Ramirez, Rez Cortez, Efren Reyes, Jeffrey Santos, Benedict Campos, Aries Go, Lharby Policarpio, at Jemina Sy.

NOEL FERRER: Maraming dinaanang mga artista ang script ng The Lookout.

Pero lahat tinurn down ang role dahil imperative at kailangang gawin talaga hindi lang ang frontal nudity, pero higit pa run.

Sana lang, people can see through just the baringt s, aana nga makatulong ito kay Andres Vasquez who has been in the industry pero neither here nor there naman.

Sana rin hindi ito much ado about nothing, di ba, Tito Jerry?

GORGY RULA: Ngayong magiging visible si Andres Vasquez sa promo ng pelikula niya, mauungkat itong atraso ng girlfriend niyang dating dancer ng Wowowin na may balanse pa raw sa isang travel agent na kaibigan din nila.

Itong girlfriend daw ni Andres ay umu-order ng ticket dito sa travel agent kapag may biyahe sila sa Hong Kong, Singapore, Boracay, at nagbabayad naman daw.

Pero kalaunan, naiipon nang naiipon ang nakukuhang plane tickets kay travel agent at inuunti-unti na lang daw ang bayad.

Inabot ng ilang taon, hindi pa rin daw nababayaran ang kabuuan, at may balanse pa itong mahigit 16,000 pesos.

Lumapit sa amin si travel agent kung paano siya mababayaran dahil staggered na nga ang payment, hindi pa raw nababayaran nang buo.

Sana makarating daw ito kay Andres para sabihan naman ang girlfriend na sagutin ang tawag at text kapag sinisingil ito.

Sixteen thousand na lang naman yun, siguro kaya nang bayaran iyon ni Andres dahil sunud-sunod naman ang projects niya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN