Rina Navarro, ayaw madikit ang pangalan kay Ara Mina dahil "I'm nothing like her"

by PEP Troika
Jun 30, 2018

NOEL FERRER: Naging open at mabuti ang pakikiharap ni Rina Navarro sa press during the MMFF 2018 announcement kahapon, June 29.

Nandun siya bilang political strategist ni dating MMDA Chairman Francis Tolentino na ngayo’y kasama na rin sa Cinema Evaluation Board.


Na-ambush interview siya ng press at nagpakatotoo lang siya nnag sinabing "Foolish Heart" ang kinakanta niya sa videoke kasama ang kaibigang si Ara Mina, na nagdiriwang noon ng kanyang birthday.

Continue reading below ↓

Doon niya nalaman na may relasyon ang aktres sa kanyang ex-fiancé na undersecretary.

Marami pang detalyeng nabanggit si Rina na nasa news story na ng ka-Troika nating Jerry Olea.

Read: Rina Navarro to Ara Mina: "I hope masaya ka sa nagawa mo."

Pero para relevant pa rin sa MMFF ang usapan, ni-refresh namin si Rina na nagwagi ng Best Actress award si Ara para sa pelikulang Mano Po noong 2002.

Ang tanging nasabi niya lang ay, “O, family movie yun!”

Pero nang tanungin namin kung anong title ang puwedeng pelikula nila ni Ara ngayon, ang mabilis niyang sagot ay, “Sorry Na Nalaman Ko.”

Yun na!

JERRY OLEA: Ayon kay Rina Navarro, sinabihan siya ni Ara ng, “Kawawa ka naman dahil may six-month-old baby kayo.”

Iimbitahan sana ni Rina si Ara sa binyag ng anak nila ni Usec Dave Almarinez hanggang sa natuklasan niya ang masakit na katotohanan.

Continue reading below ↓

Nararamdaman ba ngayon ni Rina na kawawa siya?

“Actually, I’m not kawawa,” sabi ni Rina nang makatsikahan namin nitong Hunyo 29, Biyernes, sa MMDA office.

“I don’t want people to see me as kawawa. I want women to see me as someone who is strong.

“I mean, I’m only human. Siyempre, lalaban ka din.

“And I think, laban means... you know, hindi mo naman kailangang sirain yung kalaban mo.

“You just have to know when to leave. I gathered the strength to leave.”

Sa paghaharap nila ni Ara, sinabihan daw ni Rina ang aktres ng, “I treated you like a friend. You were like a sister to me.

"You knew that I have a family. And mali yung ginawa mo sa akin. How could you do that to me?”

Ang sagot daw ni Ara, “I’m sorry, nalaman mo, pero sasabihin ko naman.”

Continue reading below ↓

Ang naramdaman ni Rina nang mga sandaling iyon, “Para akong mamamatay.

"Kasi, ano, eh... kung sinaktan ko siya... kung sinaktan ko siya at nag-react ako nang hindi maganda... ayokong lumabas kasi yung ganun.

“Because may pinag-aralan akong tao.

“In fact, pag nadidikit yung pangalan ko sa pangalan niya, I’m not comfortable with that.”

Bakit?

“Because I’m nothing like her.”

Bukas ang PEP.ph para sa panig nina Ara at Usec Almarinez.

GORGY RULA: Hindi puwedeng manahimik lang si Ara sa isyung ito.

Hanggang hindi niya lalagyan ng tuldok ito, paulit-ulit itong pag-uusapan lalo na kapag makikita siya sa isang event o kaya nasa isang presscon ng future projects niya.

May ilang reporters nang nakausap si Rina at gusto niya talagang ilantad na ito lahat.

Kung puwede lang ilabas niya ang video ng pag-uusap nila ni Ara, gagawin niya.

Pero sa pagkakaalam ko, labag ito sa batas dahil hindi alam ni Ara na kinukunan sila habang nagkakaroon ng confrontation.

Continue reading below ↓

Sa akin, mas mabuti sigurong pakinggan na rin muna natin ang panig ni Ara bago siya pagbintangan at bansagan ng kung anu-ano.

Sana magsalita na si Ara sa lalong madaling panahon.

Kung kinakailangan niyang ihingi ng paumanhin, gawin na niya at harapin na ito lahat.

Perfect ba tayo?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results