Newbie actor, natakot mag-audition sa Cinemalaya movie dahil sa hubaran

JERRY OLEA: Bigay na bigay ang baguhang aktor na si Jay Garcia sa mga mapangahas na eksena ng Cinemalaya 2018 entry na The Lookout (directed by Afi Africa).


“Dugo’t pawis po ang aming inalay at binigay sa pelikulang ito,” sabi ni Jay nang makatsikahan namin nitong Hunyo 30, Sabado ng umaga.

“Naranasan ko po yung after ng shoot, punung-puno ako ng pasa at gasgas sa katawan and some parts ng face.

“Ganun po katindi ang mga eksena!”

Matindi ang hubaran at halikan nila ng co-stars na sina Elle Ramirez at Andres Vasquez.

Frontal kung frontal!


“Nung nalaman ko po yung audition, hindi po ako nag-audition dahil natakot po ako,” lahad ng 23-anyos na si Jay.

“Pero mga isang week po yun, tumawag po sa ‘kin si Direk Aurel Ayson and Direk Afi.

“Sinend po nila yung script, after nung naging interested po ako and mineet po namin sila with my manager Tito Manuel Vallester.

“Sa actual shooting, nung una, kinakabahan po ako.

"Pero natuwa po ako kung paano kaingat sa ‘min si Direk Afi to the point na pag eksena na, paaalisin niya lahat sa set, minsan kahit A.D.

“Well, si Direk Aurel Ayson naman po yun kaya di naman kami talo-talo. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Punung-puno naman po ako ng tiwala sa aming director na hindi niya po kami pababayaan.

“Dahil po dun, ibinigay namin yung best namin sa lahat ng eksena and para magampanan po namin nang tama ang aming mga role.”

Nahiya ba siya sa hubaran? Na-arouse sa halikan?

“Ahhhmm... we just have to portray it na parang totoo,” kaswal na pahayag ni Jay.

“Hindi po ako na-arouse, at hindi rin po nahiya. Parang sa amin lang ni Andres, let's do this at gawin natin ang work natin.

“We’ve been professional sa ginawa namin ni Andres. Kahit si Elle, professional din.”


Jay Garcia & Andres Vasquez

Theater actor si Jay mula noong high school. Nakasali siya sa limang dula.

Kabilang sa nagawa niyang movies ang Instalado, Remembering Sunday, Aria, Burarul, The Last Bottle 2, at Ang Lalaking May Dalawang Adam’s Apple.

Nakalabas siya sa TV shows ng ABS-CBN at GMA-7, kabilang ang Trops, Grind, Impostora, Wagas, Maynila, at FPJ’s Ang Probinsyano.

NOEL FERRER: Muli nina Cogie Domingo at Sid Lucero (kung saan pareho silang na-cite ng Urian) directed by Adolf Alix at Kasal nina Arnold Reyes at Oliver Aquino (na naging Best Picture sa Director’s Showcase noong 2014) directed by Jay Altarejos ang dalawa sa gay-themed movies na nag-premiere sa Cinemalaya at naging batayan ng kahusayan.

Sana dito sa pelikulang lahok ni Afi Africa, sumunod siya sa tradisyon ng kahusayan ng dalawang pelikulang nabanggit para hindi siya taasan ng kilay ng mga cineastes na madaling ma-turn off sa anumang labis sa ganitong mga film festival.

Sabi nga, sa Cinemalaya, hindi kalakaran ang labis na acting, pati nga poster design, medyo subtle at hindi naghuhumiyaw, bawas sa OA dahil feeling pa-art.

Hindi kasi nagwo-work sa Cinemalaya ang cliché promo na nagpapaka-sensational. Madalas turn off pa nga iyan sa mga discriminating audiences at lalo na sa mga jury.

Sana maibigan nila ang pagbabandera ng frontal nudity nina Andres Vasquez at Jay Garcia dahil hindi iyan ang nagingsentro ng publicity ng mga Cinemalaya art films nina Mercedes Cabral, Mara Lopez, at maging ang paghuhubad noon nina Mylene Dizon, Eugene Domingo, at Tessie Tomas sa award=winning na 100.

After watching the movie, there should be more to be talked about kaysa sa hubaran.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN