Isa pang anak ni Gene Padilla, may dengue rin; Dennis Padilla, nagbabala tungkol sa dengue

GORGY RULA: Nakatanggap ng tawag ang PEP Troika mula kay Dennis Padilla para ipaabot ang nakalulungkot na balitang pumanaw ang pamangkin niya dahil sa dengue.

Ang pangalan nung bata ay Gene Justine Baldivia, six-year-old daughter ng kapatid ni Dennis na si Gene Padilla.


Ayon kay Dennis, limang araw na-confine ang bata sa Chinese General Hospital, pero hindi naagapan dahil deadly raw ang dengue virus na umatake rito.

Kaya gustong magsalita ni Dennis para maiparating sa lahat na iba na talaga ngayon ang dengue.

Nag-e-evolve daw ito, at mas matindi ito ngayon kung ikukumpara sa mga nagka-dengue noon.

Ang ikinatatakot pa ni Gene ngayon, may dengue rin ang dalawang taong gulang niyang anak.

Nakaburol ngayon ang anak ni Gene na si Gene Justine sa Funeraria Paz sa Araneta Avenue, Quezon City.

Nakikiramay po kami.

NOEL FERRER: Nakikiramay tayo at sana ibayong ingat sa ating mga kababayan sa sakit na dengue lalo pa’t napapanahon ito.

Sana rin ay magsilbing red flag at reminder ito sa mga kinauukulan na pagtuunan ito ng pansin at bigyan ng kaukulang prevention and cure para rito.

Ingat-ingat!

JERRY OLEA: Nakakabahala ang ganyang balita, kaya dapat pag-ibayuhin ang pag-iingat sa dengue.

Dapat, maging masigasig ang Department of Health sa kampanya laban dito upang aware ang publiko sa mga dapat gawin.

Nakikiramay tayo sa mga naulila.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN