Iza Calzado, John Lapus, Sebastian Castro nakiisa sa Pride Parade; anti-gay groups dumating din

by PEP Troika
Jul 1, 2018

NOEL FERRER: Naging super successful ang Metro Manila Pride Parade na naganap sa Marikina Sports Complex kahapon, June 30.

Dinagsa ito ng napakaraming tao mula isa iba’t ibang grupo na sumusuporta sa LGBTQIA+ rights.


Kasama sa mga nakita kong celebrities na nanguna sa TASK US float ay ang ating alagang aktres na si Iza Calzado, joined by Cai Cortez and Nar Cabico.

Continue reading below ↓


Nandun din sina John “Sweet” Lapus at Sebastian Castro.

Naging very vocal si Iza sa pagsuporta niya sa gay rights dahil sinasabi niyang kasama ito sa mas malaking pagkilos tungo sa inaasam nating EQUALITY (na saad sa kanyang suot na T-shirt kahapon), lalo pa’t isa siyang staunch advocate ng SheTalksAsia, isang grupo ng active na mga kababaihan.

Continue reading below ↓

Kaugnay rin nito, katatapos lang gawin ni Iza ang isang sensitibong gay-themed film, na tumatalakay sa epekto ng isang nanay na may lesbian relationship sa dynamics ng pamilya, titled Distance.

Entry ito sa Cinemalaya 2018 kasama sina Nonie Buencamino, Teri Malvar, at Max Eigenmann; sa direksiyon ni Perci Intalan.


Nangako ang #TaskUsPh at ang mga grupo sa Pride March sa susuportahan ang pelikula at gagawing lunsaran ang Cinemalaya film ni Iza sa makabuluhang talakayan ng LGBT issues.

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, napansin din naming may mga grupong outright ay kumukontra sa gay groups, citing Biblical verses sa vicinity ng Pride Parade.

Tahasan nilang sinasabing “Jesus hates you. Hindi kayo makakatuloy sa langit! Mamamatay kayo sa AIDS!” na labis na ikinairita ng LGBT groups na nandoon.


Continue reading below ↓


Pero imbes na patulan, iniiwasan na lang silang maging mitsa ng away dahil grabe talaga ang pagpo-provoke sa mga kahanay natin.

Ngunit ang nakakamangha lang ay, sa gitna ng matinding traffic at ulan kahapon, nakitang nagkakaisa ang lahat sa Pride Power.

Ang tanong, tulad ng headline sa diyaryo ngayon, oo nga’t LGBT friendly na ang ating bayan, pero bakit 61% pa rin ang kumukontra sa same-sex unions, Tito Jerry at Tito Gorgy?

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Kung si Nora Aunor ang nasa Pride March nung nakaraang taon, ngayon naman si Iza, para sa promo ng pelikula niang Distance na entry ni Direk Perci Intalan sa nalalapit na Cinemalaya 2018.




Medyo mataas ang expectations ko dito sa pelikulang Distance ni Iza dahil ibang-iba siya siguro rito pagkatapos ng ginawa niyang Bliss ni Direk Jerrold Tarog.

Continue reading below ↓

Mukhang ginagawa na kasi ni iza lahat ng gusto niyang gawin bago siya maging Mrs. Ben Wintle.

Siyempre, kapag may asawa na siya, lalo na’t kung may mga anak na siya, hindi na niya puwedeng gawin ang mga mapangahas na role kagaya nitong sa Distance.

Kaya abangan natin iyan.

Pagdating sa isyu ng same-sex marriage, isa ako sa kontra rito.

Pero kung ang isang proseso ng union para maging legal ang pagsasama ng magkarelasyong gay, okay lang.

Yung i-legalize ang kanilang pagsasama na hindi naman kailangang magkaroon ng seremonya sa isang simbahan.

Sa isang pagsasama kasi, kailangang walang madedehado kapag umabot na sa hiwalayan.

Kailangan legal ang parehas na hatian ng mag-partner kapag napagdesisyunan na nilang maghiwalay.

Kung maaayos iyon na hindi na kailangang dumaan sa same-sex marriage, umaayon ako diyan.

Kanya-kanyang pananaw at dapat igalang din kung ano ang nasa batas ng ating bansa.

JERRY OLEA: Nag-text sa amin si Ruval Magpayo kahapon ng 2:30 p.m.:

Continue reading below ↓

“RAINBOW Circle Calamba sends greetings of Love and Solidarity to all LGBTQ+ participants to LAGABLAB, the Metro-Manila GAY Pride Parade, Food Fair & Dance Party happening TODAY, June 30 @ the Marikina Sports Complex!

“More Power to You, mga KaFatid!!!”

Dinagsa ng mga tao ang nasabing pagtitipon.

Paralisado ang trapiko sa Marikina.

Hindi nawawala ang mga kontra sa LGBTQ+ community.

Sa kanilang sumpa at pag-alipusta, lumuha ang langit.

Pero tuloy pa rin ang pagdiriwang ng mga KaFatid kasama ang mga sumusuporta at nagtataguyod sa kanila.

Mabuhay!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results