Coco Martin, kasado na ang kasunod na teleserye kahit di pa tapos ang Probinsyano

by PEP Troika
Jul 1, 2018

JERRY OLEA: Base sa national ratings ng Kantar Media, itong FPJ’s Ang Probinsyano lamang ang TV show na halos laging nasa line of 4 ang ratings.

Minsan lang namin nakitang bumaba ito sa line of 3, pero umaabot ito hanggang 45%.

Patuloy ang pamamayagpag ng prime time teleserye ni Coco Martin na nabalitang tatapusin sa Setyembre, kaya ikinakasa na ang kasunod na teleserye ni Coco na FPJ’s Batang Quiapo.


Continue reading below ↓

Setyembre 28, 2015 nagsimulang umere ang FPJ’s Ang Probinsyano, kaya bonggabella na magtapos din iyon nang Setyembre.

Dagdag pang tsika, sa pagwawakas ng FPJ’s Ang Probinsyano ay mag-uumpisa ang The General’s Daughter ni Angel Locsin.

Kaso, lumutang ang balita na EXTENDED (na naman) ang FPJ’s Ang Probinsyano hanggang Pebrero 2019.

Totoo ba iyon?

E, di ba, magiging abala rin si Coco sa shooting ng MMFF 2018 entry nila ni Vic Sotto na Popoy en Jack: The Policecredibles?!

Si Coco mismo ang director ng VICOCO movie, huh?!

NOEL FERRER: Nagawa na ni Coco iyan last year.

With careful planning, ayun, sabay niyang nagawa ang Probinsyano at ang monumental Panday, di ba?

Ngayon, hindi man ganun kagastos ang ididirek niyang pelikula nila ni Bossing Vic ay siguradong kakayanin niyang pagsabayin ang TV and film work niya.

At malaking dagdag talaga ang pagkakasama ni Bossing Vic dahil sanib-puwersa ang action at comedy.

Continue reading below ↓

Ang tanong ng tao: kasama ba talaga si Maine Mendoza sa pelikula?

Naku, naku, mukhang sasabog niyan ang takilya!

GORGY RULA: Sabi ni Bossing Vic, "A few years ago, nilapitan na ako ni Coco at nakapag-usap na kami.

"I am very happy na finally matutuloy na rin yung project namin na hindi natuloy.

"So excited to work with him and the rest of the cast."

Dito magkakaalaman kung ano ang atake ni Coco bilang direktor ngayong si Bossing Vic ang ididirek niya. Iyan ang isa sa aabangan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results