Bea Binene, ready na ba para sa daring roles at sexy image?

by PEP Troika
Jul 1, 2018

NOEL FERRER: Sa napaka-sweet na PRIDE episode ng LEVEL UP kagabi sa radio kung saan may I Love You-han sa VTR sina Direk Perry Escaño at Alwyn Ignacio, nabanggit ni Perry na kasama sa kanyang future film si Bea Binene na inililinya raw ng GMA-7 sa sexy image kaya medyo daring ang kanyang mga next assignments.

Nagulat ako sa sinabing iyun ni Direk Perry.

Magiging sexy at daring din daw pati ang next TV project ni Bea na may pagsasalo over a man sila ng kanyang nanay sa kuwento.


Continue reading below ↓

Kasi naman, sa liit na yun ni Bea (Binene ha, hindi Alonzo), iisipin mong bata pa talaga siya at naglalaro lang ng wushu.

Pero ngayon, daring na pala siya.

My God, how time flies!

JERRY OLEA: Hanggang Hulyo 14 na lang ang Kapuso morning drama series na My Guitar Princess nina Julie Ann San Jose, Kiko Estrada at Gil Cuerva.

Papalitan ito ng Kapag Nahati Ang Puso (dating Karibal Ko Ang Aking Ina) kung saan tampok sina Bea Binene, Sunshine Cruz, Benjamin Alves, David Licauco at Bing Loyzaga umpisa Hulyo 16 nang umaga, dalawang araw bago ang ika-41 kaarawan ni Sunshine.

Seksing-seksi si Sunshine kaya matinding hamon kay Bea ang makipagkabugan dito.

“Very different ang role ko here sa mga nagawa ko na,” sabi ni Sunshine nang makatsikahan namin sa Messenger nitong Hulyo 1, Linggo nang hapon.

“Grateful na ako ang napili to play this role. Challenging! And yung outfits, magaganda at sexy.”

Continue reading below ↓

Seksing-seksi rin si Sunshine sa pelikulang My Stepmother’s Lover.

Puring-puri ng direktor nitong si Adolf Alix Jr. ang professionalism ni Sunshine sa intimate scenes nito sa leading men na sina Kiko Estrada at Martin del Rosario.

“Sobrang enjoy sila katrabaho!” lahad ni Sunshine.

“Ambait ni Direk Adolf and of course, sina Kiko and Martin, magagaling na artista.

“Nakaka-pressure for me honestly. Hahaha!

“Yung intimate scenes, kailangan talaga sa role. Trabaho yun.

“Sino naman ako para magreklamo?”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results