Mao Zedong bust sa Binondo: A Tsinoy Musical, mas kamukha ni Duterte

by PEP Troika
Jul 2, 2018

JERRY OLEA: Nabagbag pa rin ang aking diwa at kaluluwa sa pagtatanghal ng Binondo: A Tsinoy Musical nitong Hulyo 1, Linggo nang gabi sa The Theater @ Solaire.


Lumagaslas ang aking luha nang matanto ng dalagitang si Ruby (Ashlee Factor) na ang kaharap niyang si Ah Tiong (David Ezra) ang kanyang biological father.

Continue reading below ↓

Luhaan din ako sa pamamaalam ni Lily de la Rosa Chua (Carla Guevara Lafirteza) sa ngiti ni Ah Tiong.

Kumukurot sa puso ang taghoy ni Lily, “Paano gagawing eternity ang huling sandali?”

Mas maalab (mas marami, mas matagal) ang mga halikan ng kumbinasyong Carla Guevara Laforteza & David Ezra, kesa sa Lily & Ah Tiong sa unang gabi ng Binondo: A Tsinoy Musical noong Hunyo 29, Biyernes, na sina Shiela Valderrama Martinez & Arman Ferrer.

Si Noel Rayos pa rin ang gumanap na Carlos Chua, ang Tsinoy na kaibigan ni Lily.

“Nagkasakit ang isa pang Carlos na si Floyd Tena. Naospital,” sabi ng publicist ng dula na si Mell Navarro.

Takaw-pansin ang bust sa eksena ng Cultural Revolution sa Beijing.

Malayo sa itsura ni Mao Zedong, ang Chairman of the Central Committee of the Communist Party of China.

Kamukha ni Duterte!


Continue reading below ↓

Napakunot-noo rin ako sa pag-ubo ng naghihingalong ina (Ima Castro) ni Lily.

Akala ko tuloy ay TB ang sakit niya.

8:09 p.m. nag-umpisa ang overture, at 11:14 p.m. nagsara ang kurtina sa pagwawakas ng dula.

Congrats at maraming-maraming salamat sa buong production—sa pangunguna ng direktor na si Joel Lamangan, manunulat na sina Ricky Lee, Gershom Chua & Eljay Castro Deldoc, music composer na si Von de Guzman, choreographer na si Douglas Nierras, at creative producer na si Dr. Rebecca Shangkuan Chuaunsu—sa paghahatid sa atin ng ganitong klase ng palabas.


Continue reading below ↓


Mapapanood pa rin ang Binondo: A Tsinoy Musical sa The Theater @ Solaire sa Hulyo 6 (Biyernes, 8:00 PM), Hulyo 7 (Sabado, 3:00 PM & 8:00 PM), at Hulyo 8 (Linggo, 3:00 PM & 8:00 PM).

NOEL FERRER : Bongga ang produksiyon, magagaling ang actors sa kanilang ubusan ng boses na mga kanta.

Mahaba nga lang. All of three hours.

Puwede pa ba kayang paiksian ang mga kanta, o magbawas ng ilang segments dahil nagmumukhang telenovela raw ang musical?

Ito ang consistent na comments ng mga nakapanood na ng Binondo.

Iba pa rin daw ang chemistry ng Arman-Shiela than David at Carla.

Tama ka, Tito Jerry, powerful talaga ang boses ni Arman at emote na emote daw si Carla kaya mas tumitimo ang performance ni Shiela; although effective si Carla noong medyo underacting na siya sa death scene niya sa may ending.

Ratsada si Noel Rayos dahil nasa hospital ang anak ng ka-alternate niyang si Floyd Tena dahil sa dengue.

Continue reading below ↓

Sa huling text-an namin ni Floyd, sleepless pa siya sa kababantay sa anak niya.

Napag-alaman din namin na in-offer din pala kay Floyd ang role ni Rafa Siguion-Reyna sa “Edgar Allan Hemingway” sa Virgin Labfest.

Pero hindi niya talaga kakayanin ang rehearsal skeds kasi sapaw na sa Binondo at, heto nga, nataon pang nagka-dengue ang anak niya.

O well, I hope people catch the closing performances of Binondo this coming Friday to Sunday.

It’s a different kind of a Pinoy theater experience sa world-class theater na Solaire, ha!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results