Pagnanakaw kina Lyn Ching at Patricia Javier, maging babala sana sa lahat

by PEP Troika
Jul 2, 2018

NOEL FERRER: Dalawang showbiz personalities ang nanakawan this weekend na sana’y magsilbing babala sa ating lahat.

Si Lyn Ching ng Unang Hirit ay naging biktima ng Ipit Gang, na aral na aral ang pagbukas ng bag ng TV host.


Nakuhanan siya ng cell phone at pinagpasa-pasahan ito.

Continue reading below ↓

Umaasa na lang si Lyn na dahil nakunan ito ng CCTV ay maibalik pa ang cell phone sa kanya.

Biktima naman ng Basag-Kotse Gang si Patricia Javier sa isang mall sa Marikina.

Nakuha raw ang alahas ni Patricia na may sentimental value sa kanya.


Continue reading below ↓

Lesson learned naman dito ay huwag mag-iiwan ng mga mahahalagang bagay sa kotse, dahil ito ang nagiging mitsa ng pagnanakaw.

Ibayong ingat ang leksyon nito para sa ating lahat.

JERRY OLEA: May konek ba ito sa droga, o mas mahirap ang buhay sa panahon ngayon?

Ang mga ganap sa ating lipunan ngayon, binubulatlat at hinihimay sa sining—sa mga tula, dula, at pelikula.

Abang-abang sa mga susunod na kabanata!

GORGY RULA: Hindi na kagulat-gulat iyan sa isang mahirap na bansa.

E, dito nga sa San Francisco, California, nakakatakot na rin na kahit saang sulok ng kalye ay may mga homeless na namamalimos.

Nakakatakot pa kapag nakakasalubong ka ng mga taong "mentally challenged" na maaring dala ng drugs.

Sa isang department store dito na Ross, nagulat na lang ako, may hinahabol ang security guard na nagnakaw ng rubber shoes.

Di ba, dito rin sa SanFo binasag ang salamin ng kotseng sinasakyan ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza?

Continue reading below ↓

Kaya kahit saan ka magpunta, mag-ingat ka talaga.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Patricia Javier
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results