Joel Lamangan, di daw big deal ang BJ scene sa School Service: 'E, sa totoong buhay, ginagawa ko naman!'

by PEP Troika
Jul 2, 2018

JERRY OLEA: Hindi big deal kay Direk Joel Lamangan ang eksenang nag-bl*owj*b siya kay Kevin Sagra sa Cinemalaya 2018 entry na School Service.


“Wala namang halikan dun. Simulation lang ng bl*owj*b,” kaswal na sambit ni Direk Joel nang makausap namin matapos ang pagtatanghal ng Binondo: A Tsinoy Musical nitong Hulyo 1, Linggo ng gabi, sa The Theater @ Solaire.

Continue reading below ↓

Pagbibiro ni Direk Joel kung bakit wala silang kissing scene, “Ayaw ng parents ko!”

Wala ring Touchstone Pictures (hipuan).

Paliwanag ng multi-awarded habang nagmumuwestra, “Hindi naman nakikita. Yung ulo ko lang ang lumalabas na ganun.

“Wala! Walang makikita!”

Bakit napapayag siyang gawin ang ganoong eksena?

“Aba! Diyos ko, si Kevin Sagra, walang bayad!” mabilis na tugon ni Direk Joel.

“Ano ka ba?!”

Mahirap bang gawin yung eksena?

“Hindi. Mabait yung batang yun... O natatakot sa akin. Hindi ko alam.

"Mabait. Mabait... Mabait!"

Tinitingala siya sa industriya ng teatro, pelikula at telebisyon, tapos, may ganun siyang eksena?!

“Bakit?” pagkunot-noo ni Direk Joel. “E, sa totoong buhay, ginagawa ko naman!”

Hagalpakan ng tawa ang mga nakarinig.

Dagdag ni Direk Joel, “Bakit ko naman itatago pa? Ito ba namang tanda kong ito, magsisinungaling pa ako?!”

Sa loob ng sasakyan naganap ang bl*wj*b scene.

Continue reading below ↓

Naputol ang aming tsikahan dahil marami pang nagko-congratulate kay Direk Joel.

Nitong Hulyo 2, Lunes ng tanghali, may follow-up questions kami kay Direk sa Messenger.

Sa totoong buhay ba, humada siya sa loob ng sasakyan habang katabi ang driver?

“Diyos ko naman, oo, noong bata pa ako!”

E, nitong nagkaedad na siya, sinubukan pa ba niya?

Sagot ng 64-anyos na direktor, “Ay! Di ko pa na-try sa totoong buhay nang may edad na!

"Mahirap, baka maumpog ka sa dashboard!

“Baka mabali ang leeg... brittle na, di ba?”

GORGY RULA: Nagtataka si Direk Joel bakit isyu pa yung pag-arte niya sa movie ay nagsimula naman siyang artista.

Nag-entablado, at later sa pelikula.

Umaarte muna siya tapos ginawa siyang crowd director, at naging magaling na film director.

Sobrang nai-enjoy raw niya talaga ang pag-arte.

NOEL FERRER: Kaabang-abang ang performance ni Direk Joel Lamangan dito sa School Service.

I have always been very vocal na naniniwala akong isang napakahusay na aktor ni Direk Joel mula pa noong napanood ko siya sa Fort Santiago sa PETA plays.

Continue reading below ↓

Ke may BJ scene man iyan o wala, magaling na siya dati pa!

From the Cinema One Originals na Violator to his recent staging of Galileo sa PETA, kung saan nagwagi siyang GEMS Best Actor award, I believe that Direk Joel will still outdo his performance as an actor mapa-stage man iyan o sa pelikula.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results