Rina Navarro, nanindigang walang libelous sa mga pahayag niya laban kay Ara Mina

by PEP Troika
Jul 2, 2018

JERRY OLEA: Walang balak si Rina Navarro (political strategist ni Francis Tolentino) na kasuhan si Ara Mina, na naugnay sa ex-fiancé niyang si Usec Dave Almarinez.


“Wala naman akong dapat idemanda,” nakangiting sambit ni Rina noong Hunyo 29, Biyernes ng hapon, sa MMDA office, Orense St., Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City.

Continue reading below ↓

“Siguro, kausapin ko si President Duterte, gumawa ng batas para sa mga nilolokong babae, ano? Kahit hindi pa kasal...”

Nitong Hulyo 1, Linggo ng hapon, lumutang ang intrigang baka kasuhan ni Ara si Rina dahil sa mga ibinunyag nito.

Nag-PM (private message) kami kay Rina nitong Hulyo 2, Lunes ng hapon, kaugnay sa posibilidad na idemanda siya ni Ara ng libel.

Tugon ni Rina, “There is nothing libelous in any of my statements. I have said my piece and will no longer comment on this. Thank you!”

NOEL FERRER: The only way na ma-settle at magtapos ang issue na ito ay ang paglilinaw ng isa’t isa ng kanilang saloobin, pero hindi na siguro in public.

Mahirap mang maibalik ang dating pagkakaibigan, hindi maiaalis ang katotohanang mayroon silang kani-kanilang pamilya na dapat protektahan at pangalagaan... and I thank you!

GORGY RULA: Tama ngang manahimik na si Rina.

Continue reading below ↓

Kasi may ilang nagdududang ini-enjoy na niya ang ganitong atensiyon.

Ang hinihintay na lang si Ara na mukhang humingi na ng suporta sa mga publicist niya.

Hindi na niya kailangan iyan. Siya na lang ang magsalita o maglabas ng statement sa social media niya.

Kung gusto niyang manahimik, karapatan naman niya yun.

Nagkausap na rin naman yata sila ni Rina at umamin na yata siya.

Kay Rina naman siya may atraso kung totoo man yun. Kaya sila na magkalinawan.

Pero hanggang kailan ba ito pag-uusapan habang tikom ang bibig ng aktres?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results