Tony Labrusca, inakalang walang TF sa ginawang indie film; Eddie Garcia, pro-martial law

by PEP Troika
Jul 5, 2018

JERRY OLEA: Nahirapan si Tony Labrusca sa shooting ng una niyang pelikula, ang Cinemalaya 2018 entry na ML, na tumalakay sa hilakbot ng martial law.


“Filming the entire movie was really, really difficult, guys, honestly,” nakangiting lahad ni Tony nang makachikahan namin sa paglulunsad ng 14th Cinemalaya: Wings of Vision nitong Hulyo 4, Miyerkules ng hapon, sa CCP.

Continue reading below ↓

“Ahhm, I’ve learned to appreciate the hard work that people put into making a film without a budget.

“So, what do you call it... it was an amazing experience, and... yeah, filming this movie was a challenge.

“And that’s something that Direk [Benedicto Mique Jr.] was very open to me.

“He said, ‘When you’re in a film like this, it’s gonna be hard, and I hope you’re OK with it.’

“That’s a challenge I wanted to take.”

Hindi nag-audition si Tony sa ML. Pinili siya ng production dahil bagay sa hitsura niya ang role.

Buti naman at tinanggap niya ang pelikula kahit alam niyang limitado ang budget nito.

“Noong nalaman ko na nakuha ako sa indie film, hindi ko... sa totoo lang po, hindi ko alam na binabayaran pala yung mga aktor sa indie film.

Continue reading below ↓

“Akala ko po, libre lang po.

“So, noong sinabi nila na may TF [talent fee] ako, parang... ‘What?!’

“Akala ko, like, yun na iyon, nakuha ako sa movie. Ha! Ha! Ha! Ha!”

Dahil ba sa co-star niyang si Eddie Garcia kaya tinanggap ni Tony ang movie kahit akala niya ay wala siyang TF?

“I think it’s just because I wanna learn, you know,” masayang sambit ni Tony.

“I wanna learn how to be an actor. I wanna get better.

“I want people to know na... I want to earn my spot in this industry. So, yeah, that’s why I’m doing it.

“And I’m not saying that after doing this movie, super-galing ko na. But I have to start from somewhere.”

Kumusta na ang Darna movie kung saan nabalitang katambal siya ni Liza Soberano? Ano na ang balita?

Continue reading below ↓

“Ahhm, what do you call it... who knows? Sana, kung ako talaga yung makakasama sa movie, I would be super honored.

“Pero, who knows? That’s showbiz,” pakli pa ng binata.

NOEL FERRER: Speaking of ML, medyo naguluhan ang ibang press na nag-interview kahapon sa lead actor na si Tito Eddie Garcia nang sabihin nitong nagustuhan niya ang materyal ng kanilang pelikula.

Pero nang tanungin kung ano ang masasabi niya sa martial law, ang sabi nito ay: “I am for martial law.”


Continue reading below ↓

Meaning, inarte lang niya talaga ang kanyang role kahit na major anti-martial law ang sentiment ng buong pelikula.

Parang may major disjunct.

JERRY OLEA: Nakausap namin si Tito Eddie at tinanong namin kung anti-Marcos siya.

“I’m apolitical. Hindi ako nakikialam sa poltics,” mataman niyang tugon.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results