Iza Calzado, nakagawa ng Cinemalaya film dahil na-delay ang mga proyekto sa ABS-CBN

by PEP Troika
Jul 5, 2018

JERRY OLEA: Kinilala sina Iza Calzado, Judy Ann Santos, Janice de Belen, at Agot Isidro bilang Best Actress & Best Supporting Actress sa Cinemalaya 2012 para sa pelikulang Mga Mumunting Lihim.

Sa Cinemalaya 2018 ay may kalahok na entry muli si Iza, ang Distance.



Matindi ang labanan dito sa kategoryang Best Actress, lalo pa’t andiyan ang mga beteranang artista.

Continue reading below ↓

“Hindi naman tayo sumali dito para mag-Best Actress,” mabining pakli ni Iza nang makausap ng PEP Troika sa launch ng 14th Cinemalaya: Wings of Vision nitong Hulyo 4, Miyerkules ng hapon, sa CCP.

“Actually, this year, it was also a big thing. Kasi, parang lahat ng projects ko with ABS-CBN was a little bit delayed.

“So, you know what, I said, ‘We have to be productive.’ And this script came along.

“And I said, ‘Let’s do this. It only takes eight days to do it. Let’s do it.’ You have to be productive.”

Ito ba ang last project niya bago siya magpakasal?

“No, I have a project pa with ABS-CBN,” mabilis na tugon ni Iza.

Kahit daw ikasal na si Iza ay work-work-work pa rin siya. Wala pang plano sa honeymoon?

“Diyos ko, nganga!” bulalas ng aktres.

Continue reading below ↓

Paano ‘yan, nasa point siyang malapit nang ikasal. Paano kung may project ang ABS-CBN para sa kanya? OK ba iyon sa mapapangasawa niya.

“Ah, hindi, alam naman nila,” nakangiting sagot ni Iza.

“May understanding kami sa isa’t isa.”

Kailan iyon? One month before the wedding?

“At some point in time. One moment in time!”

Belo Bride si Iza, at may oras siya sa paghahanda.

Tatlong pares ng ninong at ninang lang ang kukunin nila ni Ben Wintle, at kabilang doon ang kaibigan niyang si Juday.

Bakit kokonti?

“Actually, ayaw talaga namin,” sabi pa ni Iza.

NOEL FERRER: Kailangang unahin ng JoshLia ang pelikulang I Love You, Hater bago pagtuunan ng pansin ang TV program nilang Nostalgia, kung saan maganda ang papel ni Izadora.

Sa pelikula naman, hinihintay lang ng alaga nating si Iza ang pagre-resume ng kanilang movie assignment.

Continue reading below ↓

In fact, Iza had to turn down a Cinema One Originals film, Hospicio, intended for her by Direk Dan Villegas dahil kailangan niyang pagtuunan ng pansin ang assignments ng kanyang mother studio.

In any case, exciting talaga ang Distance dahil tahimik ngunit nanunuot ang feelings ng karakter na pinu-portray ni Iza.

Sabi nga ng direktor niyang si Perci, “Nasa stage na si Iza sa career niya na wala siyang takot.

"She is such a joy to work with kasi inaaaral niya ang karakter niya.

"Pero ginugulat niya kaming lahat sa emosyong ibinibigay kapag take na."

Inaasahang dadalo ang mga kaibigan ni Iza sa industriya sa gala premiere ng Distance—na hindi lang dito kinunan kundi pati na sa London—sa August 4 Saturday, 9 p.m., sa CCP Main Theater.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results