Kapuso actress Elle Ramirez, hindi pa kayang ipakita ang lahat-lahat sa pelikula

by PEP Troika
Jul 5, 2018

JERRY OLEA: Lumabas si Elle Ramirez sa Kapuso programs na The One That Got Away, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Oh My Mama, Pyra: Ang Babaeng Apoy, Ika-6 Na Utos, Alyas Robin Hood, The Half Sisters, Dading, Rhodora X, at iba pa.

Kung pa-tweetums siya sa TV, mapangahas siya sa indie movie na The Lookout, na entry sa 14th Cinemalaya filmfest.

“Mas mature lang yung role ko sa movie compared sa mga ginawa kong teleserye na pa-tweetums, more on TV kasi,” seryosong lahad ni Elle nang makausap namin nitong Hulyo 4, Miyerkules, sa CCP.

“Ngayon kasi, film. So, I like to explore more of my craft. Medyo nagbigay lang tayo ng konting taste ng maturity.”

May nudity ba siya sa The Lookout?

“Nudity?!” tili ng dalaga. “Overrated naman ang nudity sa film namin!

"Merong intimate scene... more on love scene, pero konti lang yung sa akin.

Continue reading below ↓

“Wala akong ipinakitang masyadong frontal or anything.”

Hindi pa niya kaya?

“Yeah, may restrictions pa ako roon!” pag-ayon ng dalaga.

“Hindi ko pa kayang magbigay ng full pakita talaga! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Bakit?

“Restriction ko lang ‘yon.”

Kumusta ang love scene nila ni Jay Garcia?

“Maayos naman. Hindi ako naging uncomfortable. Maayos siyang ka-work. Hindi naman siya mukhang awkward,” sabi pa ni Elle.

Nasa cast din ng The Lookout sina Yayo Aguila, Andres Vasquez, Rez Cortez, Efren Reyes, Jeffrey Santos, at Ahwel Paz.

Idinirek ito ni Afi Africa.

NOEL FERRER : O siya pala si Elle Ramirez. Sana makilala ko pa siya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results