Roderick Paulate at Carmi Martin, magre-reunite sa Ang Probinsyano

by PEP Troika
Jul 5, 2018

NOEL FERRER: Lalong nagiging kapana-panabik ang FPJ's Ang Probinsyano sa pagkakadagdag ng iconic tandem nina Roderick Paulate at Carmi Martin sa subplot ng aktres na si Mitch Valdes.

Kaya naman hindi matinag ang teleseryeng ito na umaabot ng 45-plus na rating at hindi sila tumitigil sa pag-iisip ng mga interasanteng anggulo para sa kanilang kuwento.

Bukod sa nakakatuwa ang casting ay totoong nakakatulong pa ito sa mga artistang matagal nang hindi nakikita.

In the case of Dick and Carmi, nakakatuwa lang magbalik ang kanilang tandem sa pareho ring estasyong pinagmulan ng tandem nila.

Kaya, wala talagang katotohanan ang nabrand nang Fake News ng lionhearrTv at Abante na tsutsugiin na agad ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Tuloy ang mala epiko nang buhay ni Cardo at ng mga kasamahan niya sa top rating teleserye that made Coco Martin iconic.

Can anyone come close?

JERRY OLEA: Nag-PM kami kay Malou Crisologo, isa sa regular cast ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Kinumpirma niyang extended ang teleserye ni Coco Martin at hindi pa ito magtatapos sa Setyembre ng taong ito.

“Di ko alam exactly ‘til when, basta ang advice sa amin, extended kami,” ani Malou.

“Sana nga, ma-extend pa beyond February para may work pa kami.”

Naniniwala si Malou na hindi magkaka-conflict sa schedule ang taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at ang shooting ng MMFF 2018 entry ni Coco with Vic Sotto, ang Popoy en Jack: The Puliscredibles, na si Coco mismo ang magdidirek.

Nagawa na ni Coco last year na pagsabayin ang shooting ng MMFF 2017 entry niyang Ang Panday at taping ng FPJ’s Ang Probinsyano.

T-Th-S ang shooting ni Coco ng pelikula, at M-W-F ang taping ng teleserye.

Siyempre pa, very much welcome ang tandem nina Dick & Carmi sa nangungunang palabas sa local TV!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results