Beteranang aktres na si Perla Bautista, umaasang manalong Best Actress sa Cinemalaya 2018

by PEP Troika
Jul 5, 2018

JERRY OLEA: Ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon ay kuwento ng tatlong matatandang malapit na sa dapithapon ng kanilang buhay,” salaysay ng direktor na si Carlo Enciso Catu sa launch ng 14th Cinemalaya filmfest nitong Hulyo 4, Miyerkules, sa CCP.

“Si Teresa [Perla Bautista] ay ka-live in ni Celso [Menggie Cobarrubias] for 27 years.

“Boring na yung buhay nila. Ang pinag-aawayan na lang nila is... kapag may b*lb*l sa sabon, kasi metikulosa si Teresa.

“And then, one day, in their ordinary boring life, tatawag si Benedicto [Dante Rivero], na asawa pala ni Teresa for 26 years.

“Nagpapasama si Benedicto kay Teresa dahil malapit na siyang mamatay...”

Inusisa namin si Tita Perla kung ano ang pakiramdam niya sa pagbibida sa nasabing Cinemalaya movie.


Continue reading below ↓

“Blessed na blessed siyempre!” bulalas ng beteranang aktres.

“It’s a blessing. Isa pa... nakakabata! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Ang feeling ko, suwerte. Masaya. Ibang pakiramdam. Suwerte talaga.”

Kumusta ang love triangle nila nina Tito Dante at Tito Menggie?

“Ang hirap anuhin, eh. Yung isa, iniwanan ako,” mabining pakli ni Tita Perla.

“'Tapos, babalikan ko naman para alagaan. Parang ano... meron pa bang ganung babae? Hi! Hi! Hi! Hi!”

Matindi ang labanan sa kategoryang Best Actress ng 14th Cinemalaya....

“Oo naman,” mabilis na pag-ayon ni Tita Perla.

“Oo! E, magagaling sila! Marami, e. Nakita ko nga, magagaling.

"Hayaan mo na. Matanda na ako for that! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Umaasam pa ba siyang mabigyan ng pagkakataon na maging Best Actress sa Cinemalaya?

Pag-amin ni Tita Perla, “E, sana... Siyempre, hopeful naman. Siyempre, kahit papaano.

“Hangga’t humihinga tayo, may pag-asa!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Hope springs eternal.

What’s good is that Tita Perla Bautista is given and entrusted with a very good role at her age.

This must be very significant at kaabang-abang.

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Cinemalaya 2018
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results