The Maid in London ni Andi Eigenmann, P200,000 lang ang kinita sa first day?

by PEP Troika
Jul 5, 2018

JERRY OLEA: Nakipagsalpukan ang madramang pelikula ni Andi Eigenmann na The Maid in London sa pagbubukas ng marvelous action-adventure na Ant-Man and the Wasp nitong Hulyo 4, Miyerkules, sa local theaters.



Two hours 20 minutes ang tagal ng The Maid in London kung saan sandamukal na pasakit ang pinasan ng karakter ni Andi, samantalang 2 hours 5 minutes ang running time ng Ant-Man and the Wasp na umaatikabo ang aksyon.

Continue reading below ↓

Nag-open ang The Maid in London sa 94 sinehan—35 sa Metro Manila, 40 sa Luzon, at 19 sa VisMin.

Ayon sa aming source, hindi umabot sa P200,000 ang first-day gross nito.

Nasa cast din ng The Maid in London sina Matt Evans, Polo Ravales, Alexis Navarro, Joshua de Guzman, Janice Jurado, Rina Reyes, Richard Manabat, Jun Nayra, Beth Rees, Marlon Mance, Victoria Gigante, Star Orjaliza, Vic Romano, Nora Reyes, John Beglin, Liza Laure, Martin Healy, at Jennifer Ugali.

May special participation dito sina Chanel Latorre, Jerry Anton, at Tere Gonzales.

Directorial debut ito ni Danni H. Ugali.

GORGY RULA: Kaya nga keber ang mga tao sa statement ni Andi na gusto na nitong mag-quit sa showbiz.

Ang tagal niyang nawala, pero parang di naman nila na-miss.

Parang ipinaramdam na nga nila na, "Ano naman ngayon kung mag-quit ka sa showbiz?!"

NOEL FERRER: Paano iyan kung magbabalik-TV si Andi?

Sana nga ma-rediscover at ma-reinvent siya dun.

Continue reading below ↓

Ano kaya ang pelikulang magpapabalik sa mga Pinoy sa mga sinehan?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Andi Eigenmann
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results