Eddie Garcia, keri pang gumanap na bading kahit malapit na siyang mag-90

by PEP Troika
Jul 6, 2018

JERRY OLEA: Malapit nang mag-90 anyos si Eddie Garcia, ngunit kaya pa niyang magbida sa pelikula.

Sa 14th Cinemalaya entry na ML, intense ang pag-torture ng kanyang karakter na retired colonel sa isang college student (Tony Labrusca) na gustong malaman kung paano ba ang buhay noong panahon ng martial law.


Continue reading below ↓

“Hindi ba dapat, pang-Mahal na Araw lang yun?!” bulalas ng respetadong aktor nang makausap namin sa launch ng Cinemalaya 2018: Silip noong Hulyo 4, Miyerkules, sa CCP.

OK pa siya sa mga ganoong eksena na pisikal?

“Okey lang,” pagtango ni Manoy. “It’s a job.”

Ikatlong Cinemalaya movie na ito ni Manoy. Naunang movies niya sa most prestigious indie filmfest ng bansa ang ICU Bed #7 (2005) at Bwakaw (2012).

Bakit ngayon lang uli siya nakagawa ng pelikula para sa Cinemalaya? Masyado ba siyang abala sa TV?

“Hindi naman,” mabilis niyang tugon.

“Saka walang alok, e. Ako naman, pag may alok... any role. Bakla, kung anu-ano!”

Matandang bading ang papel niya sa Bwakaw. Keri pa ba niyang gumanap ng gay role?

“Of course! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” mataginting na halakhak ni Manoy. “Bakit naman hindi?”

Parang duda ang colleague na si Julie Bonifacio-Gaspar sa kakayahan ng multi-awarded veteran actor na mag-gay role pa rin, kaya malambing na tumalak pabiro si Manoy...

Continue reading below ↓

“Tarantada!”

Halakhakan kaming lahat.

Sa tantiya ni Manoy, humigit-kumulang 600 pelikula na ang kanyang nagawa.

NOEL FERRER: Ganyan naman si Tito Eddie, basta interesting at challenging ang role, tinatanggap niya.

Tulad na lang nitong ML para sa Cinemalaya, game siyang gawin dahil maayos daw ang script.

This is despite him being pro-martial law, ha, as he disclosed in some interview.

Marami ring nagtatanong kung bakit balik sa ganung look si Tito Eddie na may malagong facial hair na naman.

Ang tanong ng mga tagasubaybay: babalik na naman ba siya sa FPJ's Ang Probinsyano?

GORGY RULA: Anong reaksiyon ni Manoy Eddie sa kumalat noon na namatay raw siya?

Marami rin ang nataranta noon nang kumalat ang balitang iyan.

Nagulat si Manoy Eddie noong nasa shooting siya ng Cinemalaya entry niya, sunud-sunod na tawag at text ang natatanggap niya para kumustahin siya.

Noon pa kasi sinasabi ng magaling na aktor na kung anumang mangyari sa kanya, ayaw niyang malaman pa ito ng lahat.

Continue reading below ↓

Yung basta na lang mabalitaang wala na pala siya.

Pero sabi nga ng karamihan, kapag natsitsismis kang na-tegi, lalo pang lumalakas at humahaba ang buhay.

Sabi nga ni Manoy Eddie noon sa mga nakaraang interview, ang trabaho ang isa sa nagpapahaba ng buhay niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results