Ara Mina, tikom ang bibig sa "pang-aagaw" issue

by PEP Troika
Jul 7, 2018

GORGY RULA: Mabilis ang sagot ni Ara Mina na “hindi” at “wala” sa diretsong tanong sa kanya ni Kuya Boy Abunda kung mayroon ba siyang inagaw.


Guest kasi si Ara sa Tonight with Boy Abunda kagabi, July 6, para sa promo ng teleseryeng Araw Gabi.

Continue reading below ↓

Hindi pinalagpas ng King of Talk ang mainit na isyung kinasasangkutan ng aktres, pero tipid pa rin ang sagot ni Ara.

Sabi lang niya, “I don’t want to comment about that, Tito Boy.

“I don’t owe the public an explanation. Kung iyon ang side ng isang tao, just be it.

“Ang choice ko, manahimik. Wala akong dapat i-explain.”

Sinundan siya uli ni Kuya Boy ng tanong na sa paglaki ng anak niya, at sakaling balikan ang isyung ito, ano ang sasabihin niya rito?

“Of course, you’ll be honest with your loved one.

“Kung ano yung totoong nangyari, i-explain mo sa kanya. I’m not afraid with that,” sagot ng kontrobersiyal na aktres.

Bago natapos ang interview, pinasagot si Ara tungkol sa mga bagay na hindi pa alam ng mga tao tungkol sa kanya.

Tila may patutsada ang sinabi niyang, “Ayaw ko ng sinungaling, ayaw ko ng plastik, ayaw ko ng pretentious.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Just be it! “Wala akong inagaw,” sabi ni Ara Mina.

Sana makahanap na si Ara Mina ng isang wagas na pag-ibig na tunay na sa kanya para mabura ang anumang imahe niya ng pang-aagaw.

Just be it!

JERRY OLEA: Sa pagsasalitang ito ni Ara, huhupa na kaya ang isyu sa kanila ni Rina Navarro?

Nang huli kaming mag-PM (private message) kay Rina ay ayaw na niyang magsalita.

Nasabi na raw niya ang gusto niyang sabihin.

Harinawa’y matuldukan na ang usaping ito.

GORGY RULA: Si Manay Lolit Solis ang isa sa nagpasabog ng isyung ito ni Ara.

Ayaw na lang daw niyang magdagdag pa ng reaksiyon sa interbyung iyon ni Kuya Boy kay Ara dahil mabait naman daw ang aktres at magalang daw sa kanya.

“Tama na yun. Hayaan na natin si Ara. Mabait naman iyan, e,” pahayag ni Manay Lolit.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results