Dennis Padilla, inaming may tampuhan sila ng anak na si Julia Barretto dahil kay Joshua Garcia

by PEP Troika
Jul 10, 2018

GORGY RULA: Dahil sa nangyari sa pamangkin ni Dennis Padilla na pumanaw dahil sa dengue virus, may bubuuin daw siyang campaign ngayon laban sa dengue na tatawagin nilang "Tok Lamok."

Sabi kasi ni Dennis, parang nawala na sa kamalayan ng mga tao ang tungkol sa dengue kaya ibabalik sana nila ang awareness dito sa campaign na "Tok Lamok."

“Bale dalawa ang magiging meaning niyan, di ba, ang Tok na parang tokhang... ito, Tok Lamok, let’s eradicate o patayin natin ang mga lamok.

"And then Tok, which means, ‘let’s talk about it,’ pag-usapan natin.

"Kasi napapansin natin yung awareness natin sa dengue, parang bumaba, e,” sabi ni Dennis nang nakausap namin sa programang Showbiz Talk Ganern sa DZRH kagabi, July 9.

Aminado ang aktor na malaking dagok sa pamilya nila ang pagpanaw ng pamangkin niyang si Gene Justine Padilla, ang six-year-old daughter ng kapatid niyang si Gene Padilla.

Continue reading below ↓


Nagpasalamat siya sa lahat na mga nakiramay at tumulong sa kanila.

Ibinato na rin namin ang tanong ng ilang listeners kung dumalaw ba sa burol si Julia Barretto at mga kapatid nito, dahil pinsang buo naman nila itong pumanaw na si Gene Justine.

“Hindi, e,” malungkot na sagot ni Dennis.

Continue reading below ↓

“It’s all over the news naman. I think alam naman nila.

"Saka yung mga common friends naman namin from showbiz, alam naman nila dahil marami naman sa mga kaibigan natin sa entertainment industry from TV and movies, marami namang dumalaw.

"Sina Vice Mayor Joy Belmonte… marami naman sa mga kaibigan natin dumalaw at nagbigay ng suporta."


Continue reading below ↓

Sinundan namin ng tanong kung may tampo ba siya kina Julia na hindi man lang dumaan para makiramay sa kanila?

Sagot ni Dennis, “Ang binibilang ko na lang kasi, yung mga dumating.

"Hindi ko na lang binibilang yung mga hindi dumating kasi…

"Kumbaga, sa akin, hindi naman nila obligation ang pumunta, pero mas maganda sana kasi pag pamilya kayo, sa mga oras ng pagluluksa, dapat kayo magkita-kita.

"Kasi dito mo kakailanganin ang moral support ng bawat isa, e, di ba?"

Sabi pa ng komedyante, “Actually, pag masaya naman ang tao, okay lang, tawagan lang ayos na, e.

"Pero pagka ganito, may tragedy sa pamilya, kailangan talaga nandun ka. Kailangan yun, e.

"Ako, ganun ang kinalakhan ko, e."

Inamin na rin ni Dennis na mayroon talaga silang tampuhan ni Julia, kaya matagal na silang hindi nag-uusap.

“Si Julia, medyo matagal na kaming hindi nag-uusap nun, mga April yata.

Continue reading below ↓

"Busy lang, saka nagkaroon din kami ng konting tampuhan din niyan lately."

Tinanong namin kung tungkol ba kay Joshua Garcia ang pinagtampuhan nilang mag-ama.

“Medyo…konti,” parang naalangan niyang sagot sa amin.

“Nakalimutan din ako batiin ni Julia nung Father’s Day... nakalimutan.

"Saka baka wala lang siyang load that time kaya hindi niya ako na-text," pabiro na niyang pahayag.

NOEL FERRER: Dalawang leksiyon ang makukuha natin dito:

Ingat sa lamok na nagdadala ng dengue at linisin ang mga lugar na may stagnant water.

At mas pinagpapala ang mga nilalang na may paggalang at nagmamalasakit sa mga magulang.

JERRY OLEA: Huwag sanang maka-nega sa pelikulang I Love You, Hater ang tampo ni Dennis sa anak.

Bukas (Hulyo 11, Miyerkules) ang showing ng JoshLia movie, kaya todo-todo ang kanilang promo nitong mga nakaraang araw.

Sana maayos ang tampuhan ng mag-amang Dennis at Julia.

Love love love na lang sana ang mangibabaw!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results