Comedy King Dolphy, wala pa ring kapalit

by PEP Troika
Jul 10, 2018

NOEL FERRER: Ang bilis ng panahon. Ngayong araw, July 10, ang sixth death anniversary ng Comedy King na si Dolphy.

Puro magagandang alaala ang iniwan niya sa atin.


At ang bagong balita ay may ipi-premiere na bagong restored film ni Tito Dolphy soon courtesy of the ABS-CBN Film Restoration Group.

May magandang silungan at shade ding ipinagawa sina Zsa Zsa Padilla, Coco, at Zia Quizon na ipinagpasalamat ni Eric Quizon sa kanyang post.

Continue reading below ↓


Anim na taon na ang nakakaraan at nananatili pa ring pamantayan ang mga ginawa at sinabi ni Tito Dolphy sa atin.

Sa mga artistang nag-iisip pa rin na pasukin ang pulitika, laging ipinaalala ang sinabi ng Comedy King.

“Madaling tumakbo, pero paano na kung nanalo, kakayanin mo ba?” tanong at pangongonsensiya niya.

Continue reading below ↓

Patuloy kang buhay sa aming diwa at puso, Tito Dolphy!

JERRY OLEA: Lagi kong naaalala ang kabaitan ni Mang Dolphy, ang pagiging generous niya hindi lang sa kanyang mga kapamilya kundi maging sa maliliit na kasamahan sa industriya.

Naaalala ko rin ang mga pagkakataong nakasabay ko siya sa pagdarasal sa Baclaran church kung Martes ng gabi.

Mananatili siyang buhay sa alaala ng mga nagmamahal sa pelikulang Pilipino.

Siya pa rin ang kinikilalang Comedy King ng lupang hinirang.

Dalangin natin na tanghalin siyang Pambansang Alagad ng Sining!

GORGY RULA: Kaya naman hindi siya nakalimutang pasalamatan ni Maricel Soriano nang tinanggap ang Icon Award sa Eddys Awards kagabi, July 9.

Napag-uusapan na ring magkaroon ng remake ng ilang classic films ni Mang Dolphy. Sana matuloy yun.

Umaasa nga si Niño Muhlach na i-remake ang Tatay Kong Nanay, kung saan gagampanan sana ng anak niyang si Alonzo ang papel na dati nyang ginampanan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results