Arci Muñoz, gustong kuning leading lady ni Hero Bautista sa directorial debut niya

by PEP Troika
Jul 10, 2018

JERRY OLEA: Target ni Hero Bautista na maging leading lady si Arci Muñoz sa unang pelikulang ididirek niya, ang Kungfu Pandak, na spoof ng Kungfu Panda.


Siya mismo ang sumulat ng script nito three years ago, at siya rin ang magbibida.

Ipoprodyus ito ng Heaven’s Best Entertainment, na mina-manage ng kapatid niyang si Harlene Bautista-Tejedor.

Continue reading below ↓

Next year nila balak simulan ang shooting.

“Hindi ito animated movie. May mga CGI [computer-generated image], yung mga ghost na kasama,” sambit ng 49-anyos na konsehal ng QC nang mainterbyu namin noong Hulyo 6, Biyernes ng gabi, sa Tanghalang Amoranto ng Quezon City Hall.

“Parang ano siya, yung limang spirit ng iba’t ibang martial arts, papasok sa katawan ko.”

Nag-A.D. (assistant director) na si Hero sa ilang pelikula, at nakapagdirek na sa TV show.

Ang tatay niya na si Herminio “Butch” Bautista ay nagdirek ng pelikula.

Bakit si Arci ang gusto niyang makatambal? Dahil ba matangkad ito?

“Kasi, kaibigan ko siya,” mabilis na tugon ni Hero.

“Kasama ko siya sa teatro, sa grupo ni Ann Villegas, Sining Pinagpala. Noong 2014 yun, naging kaibigan ko siya.”

Inusisa ng kasamahang Oghie Ignacio si Hero kung retokada na ba noon si Arci.

Continue reading below ↓

Kaswal na sagot ni Hero, “I don’t wanna comment on that, pero maganda na siya.”

NOEL FERRER: Sana kung ano man ang na-achieve ng Kung Fu Panda ay ma-achieve din ng KungFu Pandak. Tough luck, pero malay mo?

Plus sana ma-apply nina Hero at Arci Munoz ang mga natutunan nila sa teatro ni Ann Villegas sa kanilang project at mapantayan (o mahigitan pa) ang na achieve ni Anne sa kanyang career.

Good luck!

GORGY RULA: Ayokong mag-nega. Kaya good luck na lang ang gusto kong sabihin.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results