Pelikulang ididirek ni John Lapus, pasok sa Cinema One Originals

by PEP Troika
Jul 10, 2018

NOEL FERRER: Nang mag-celebrate si John Lapus ng kanyang 45th birthday sa ating “Level Up” program noong Saturday, July 7, kasama ang mga masasaya at touching na pa-tribute sa kanya ng mga malalapit na kaibigang sina Harlene Bautista, Roxy Liquigan, Chris Martinez, at Candy Pangilinan, isang malaking usapin ang reinvention niya bilang writer-director.


Continue reading below ↓

Nang dumalang na ang kanyang offers bilang artista, naging realistic siya at nagplanong magte-train bilang writer at direktor.

Ayun, this Friday, may stage reading ang kanyang play na BagYolanda sa CCP under the Virgin Labfest.

Nagtapos din siya sa Cinemalaya Directorship Program at ang mga ginawa nilang short films ay ipalalabas sa August during the Cinemalaya Festival.

At mula sa Cinema One boss na si Ronald Arguelles, heto pa ang isang mainit-init pang good news...

Sabi ng kaibigan nating Ronald, “Congrats to Jonathan Lapus! His film project entitled Pang-MMK will replace Iris Lee's Palibhasa Babae in the 2018 #C1Originals Festival main feature category.”

Sunud-sunod ang blessings na natatanggap ni Sweet at kamakailan lamang, nagsimula na siya ng isa pang writing workshop under Ricky Lee.

Tunay ngang with talent and perseverance, one can make things happen and in John’s case, nagpapakahusay siya and he makes things happen.

Continue reading below ↓

We are truly happy for him.

JERRY OLEA: Talentado si John "Sweet" Lapus at kayang-kaya niyang i-reinvent ang sarili para manatiling relevant sa entertainment industry.

Nakakatuwa rin ang pagtataguyod niya sa LGBT community, at siya mismo ay nagbo-volunteer para isulong ang mga ganap ng mga kafatid.

Korek ka, John!

GORGY RULA: Kaya naman ni Sweet, e.

Sa pagkawala ni Direk Wenn Deramas, kailangan natin ng nga kalibre ni John Lapus na magdidirek ng comedy films o kahit sitcom.

Kaya, dapat mag-focus na siya diyan dahil tiyak na mas tatagal pa ang career niya.

Magkasundo kaya sila ni Vice Ganda sa paggawa ng isang comedy film?

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Virgin Labfest
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results