Bibeth Orteza, wish na tanggapin ng theater lovers ang realidad ng traffic

by PEP Troika
Jul 10, 2018

JERRY OLEA: Nakasabay namin si Bibeth Orteza sa panonood ng Set B ng 14th Virgin Lab Fest: Silip noong Hulyo 7, Sabado ng hapon, sa Tanghalang Aurelio Tolentino ng CCP (Pasay City).

Kabilang sa tatlong dula na itinanghal ang Ang Mga Propesyunal, na idinirek ng dyowa niyang si Carlitos Siguion-Reyna, at ang Edgar Allan Hemingway kung saan isa sa tatlong artista ang anak niyang si Rafa Siguion-Reyna.


Continue reading below ↓

Bibeth Orteza with son Rafa Siguion-Reyna

Alin ang mas nagustuhan niya, the one directed by her husband, or the one that starred his son?

“Actually, halos lahat ng palabas dito, nagustuhan ko!” maigting na bulalas ni Bibeth.

“Dahil hindi ko naman pinanood lang yung palabas ni Rafa saka yung palabas ni Carlitos. Lahat... inubos ko!”

Hindi ba masyadong cerebral yung dalawang dula kumpara sa iba pang entries?

“Lahat naman sila, may kani-kanyang ano... this and that,” matamang pakli ni Bibeth.

Alin sa mga dula ng VLF 2018 ang pinakagusto niya?

Bumuwelo si Bibeth bago humirit, “Ang kailangan ninyong panoorin, yung Set C [Labor Room, Ensayo, at Tulad ng Dati]. Ang ganda!

“Naa-appreciate ko yung effort ng pagpapatuloy ng mga ganitong palabas.

“Iisa na lang ang wish ko. Na sana, yung mga nagpo-propagate ng theater sa Quezon City, which means UP and Ateneo, at saka sa bandang ito ng CCP...

Continue reading below ↓

“Sana, magkaroon ng posibilidad na tanggapin na natin yung reality ng traffic, na sana yung mga pinapalabas dito [sa CCP], mapresenta sa UP, sa Ateneo.

“At yung ginagawa ng UP at ng Ateneo, madala din dito [sa CCP]. Kasi, reyalidad na natin yung sa traffic.

“Andami-daming gustong manood ng mga palabas na ito, kaya lang, iniisip na... kasi, lahat naman, nagtatrabaho, kung manggagaling ako sa UP o sa bandang area ng Quezon City...

“Parang gagawa ka pa ng paraan para makapag-set aside ka pa ng... kung public transpo, at least 2 to 3 hours na biyahe.

“Doon pa lang, ano ka na, hirap ka na!”

Posible bang itanghal ang Virgin Lab Fest sa QC?

Matamang sagot ni Bibeth, “I’m sure, lahat naman, mapag-uusapan, e.

"Kasi, ang aim naman pareho ng ano, ng lahat ng nagpapalabas ng teatro...

“Sana, mapanood ng mas marami!”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: There is a play for everyone sa Virgin LabFest 14.

Natapos ko nang panoorin lahat at dapat nga itong panoorin at ma-experience ng mga manonood.

Pati nga mga actors, kailangang ma-devirginize din ng VLF, dahil ibang experience ito sa mga untried, untested plays na napakagaganda.

At oo, sana mahanapan pa ito ng teatro sa QC o kung saan man para mas marami pang makapanood nito. (That’s a good proposal sa 15th anniversary nila next year.)

Too bad, isa sa mga artista ni Direk Carlitos sa kanyang play ay maysakit, kaya hindi na maipapalabas ang kanyang play sa third week na magsisimula bukas.

Heto ang pahayag ni Direk Carlitos kaugnay nito, “I regret to inform you that the last three performances of Virgin Labfest Set B’s Ang Mga Propesyunal have been cancelled, as one of our actors has been stricken with chicken pox.

"Since we cannot risk aggravating our actor's condition and contaminating the audience, I felt it best to cancel the remaining showdates rather than waste the goodwill the play has already earned, were we to proceed with a so-so staging involving an under-rehearsed actor filling in on short notice.

Continue reading below ↓

"When a VLF officer voiced the concern that the audience that paid for three plays in Set B would only get two, I suggested that replacements come from other sets to fill in Ang Mga Propesyunal's slot.

"All the best, to whoever replaces us. And meanwhile, Krystle Campos, get well soon!

"Thank you to all who’ve seen Ang Mga Propesyunal. It was an amazing experience and collaboration I am proud of.”

JERRY OLEA: Nasa ikatlo at huling linggo na ang 14th Virgin LabFest: Silip sa CCP.

Palabas ang Set A hanggang Set D simula Hulyo 10 (Martes) hanggang Hulyo 15 (Linggo) sa Tanghalang Aurelio Tolentino (CCP Little Theater).

Dalawang set ang palabas doon bawat araw, 3 PM at 8 PM ang umpisa.

Ang Set E: Revisited ay apat na pagtatanghal na lamang sa Tanghalang Huseng Batute (CCP Studio Theater) — Hulyo 13 (Biyernes, 8 PM), Hulyo 14 (Sabado, 3 PM at 8 PM), at Hulyo 15 (Linggo, 3 PM).

Continue reading below ↓

Ang halaga ng tiket para mapanood ang isang set ay P400 (regular seat) at P600 (premium seat).

May 20% discount para sa senior citizen at PWD.

Ang halaga ng festival pass ay P1,600 (regular festival pass) at P2,400 (premium festival pass).

Para sa mga detalye, tumawag sa CCP Box Office, tel# (02) 832-3704, 832-3706.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results