Bembol Roco, Ricci Chan, Arnold Reyes tampok sa mga dula sa Virgin Labfest 14

by PEP Troika
Jul 10, 2018

JERRY OLEA: Apat na dula ang may bahid ng kabadingan sa 14th Virgin Labfest: Silip, na nasa ikatlo at huling linggo (Hulyo 10 hanggang 15) ng pagtatanghal sa CCP.

Masasarapan ang mga diwata sa Tulad Ng Dati (Set C), kung saan nagkita muli ang magkapatid na Neil (Arnold Reyes) at Norman (Acey Aguilar) matapos ang 20 taon.


Continue reading below ↓

Tulad ng Dati

Kinse anyos pa lamang si Norman nang makulong ang kanyang kuya na isang guro dahil sa kasong panggagahasa ng estudyante.

Kapwa ulila na sila sa mga magulang.

Nabitin ako sa ending nito.

Wish ko lang na nagbuyangyang sana ng p*w*t si Acey (pwede naman siyang magplaster sa harapan).

“Binibiro nga namin siya!” bulalas ng co-star niyang si Arnold nang makausap namin noong Hulyo 8, Linggo ng hapon, sa canteen ng CCP.

Sa Edgar Allan Hemingway (Set B), parehong bading ang lovers na sina Levi (Rafa Siguion-Reyna) at Barns (Ricci Chan), pero buo ang istorya kahit sila ay maging tibo, bi, straight, transgender, fluid o kung ano pa mang kumbinasyon.


Continue reading below ↓

Edgar Allan Hemingway

Walang bearing ang sexual orientation nila sa sustansiya ng kuwento, na napaka-cerebral lalo pa’t nabanggit ang mga manunulat na sina Jane Austen, Alex Garland, Edgar Allan Poe, Ernest Hemingway, at E. L. James, maging ang novella ni George Orwell na Animal Farm.

Ang galing-galing ni Ricci, pero hindi nagpalamon sa kanya si Rafa at ang isa pang co-star nila na si Guelan Luarca.

Ang husay ni Bembol Roco sa tahimik niyang pagluha sa madramang Rosas (Set B).

Swak ang awiting "La Vie en Rose" sa pagkakaibigan nila ng matandang bulag na roommate sa Home for the Aged.


Continue reading below ↓

Rosas

Riot ang mga beki na supporting characters sa Pilipinas Kong Mahal With All The Overcoat (Set E).

Humagalpak ako nang bonggang-bongga sa mga nakakawindang na ganap dito.

NOEL FERRER: Theater is really a work in progress, you are given a chance to do better and better in your next performances.

I was there during Bembol’s first performance sa Rosas where he forgot some 2 pages daw ng kanyang linyabu, t he acquitted himself afterwards in the next performances. (Magaling din siya sa Ensayo nila ni Sherry Lara).

Tama ka, Jerry, na pasabog si Ricci Chan sa Edgar Allan Hemingway.

Sumabay rin si Rafa Siguion-Reyna, pero iba rin ang ipinakita ng kaibigan nilang simpleng magaling lang na si Guelan Luarca.

As per Arnold Reyes in Tulad Ng Dati, sinabi namin sa kanya na medyo in-expect na namin ang twist ng story dahil sa pagka-cast sa kanya. Natawa lang siya.

Continue reading below ↓

Marahil dahil ang katulad ni Arnold na magaling at established actor lang ang mangangahas sa ganung role.

As for Acey, OK naman ang tapang niya sa pagganap sa role.

Pero dahil sa portrayal niya, may isang direktor na nagsabing akala niya ay may kinalaman sa mental health ang kanyang concern sa kuwento.

But otherwise, we laud them both sa pagiging mapangahas nila.

As for Pilipinas Kong Mahal With All The Overcoat from last year’s best, ang husay-husay ni Anthony Falcon.


Continue reading below ↓

Pilipinas Kong Mahal With All The Overcoat

Nakasama namin siya sa pagpanood ng ibang dula noong first week at natanong ko sa kanya kung magkano ang bayad sa kanila sa paggawa nito.

Sabi niya, “Mas mahal pa ang isang taping day namin, Sir Noel, but it’s all worth it!”

For him, kailangan daw ng pagbabalik ng teatro bilang panbanlaw sa paggawa nila ng ibang projects.

Truly, I have such deep respect for these committed theater artists!

JERRY OLEA: Ang CCP ay itinayo sa bisa ng isang Executive Order ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1966.

Malabong magustuhan ng mga kapamilya at tagapagtaguyod ni Marcos ang mga palabas ng 14th Virgin Lab Fest: Silip na sumapul sa martial law, na kaakibat ng EJK (Extra Judicial Killing) sa kasalukuyang gobyerno.

Sa Mga Bata sa Selda 43 (Set A), ang inakala kong zombie na si Ed (Rafael Tibayan) ay dati palang college student na nag-aklas laban sa rehimeng Marcos.

Continue reading below ↓


Mga Bata sa Selda 43

Sa Pilipinas Kong Mahal With All The Overcoat (Set E), nakakakilabot ang makabagong propaganda upang ihayag ang halimuyak nina Ferdinand at Imelda.

Ang isyu ng tokhang ay hinimay o dinalirot sa Mga Eksena sa Buhay ng Kontrabida (Set A), Ang Inyong Mga Anak: Si Harold at Napoleon (Set A), Ang Mga Propesyunal (Set B), at Sincerity Biker’s Club (Set E).

Continue reading below ↓


Ang Mga Propesyunal

May kani-kanyang tapang ang bawa’t dula sa 14th VLF.

Ang Marawi Musicale (Set D) ay musical na ang setting ay evacuation center na malapit sa Marawi, apat na buwan matapos lusubin at sakupin ng teroristang grupong Maute-ISIS ang nasabing lungsod.


Continue reading below ↓

Marawi Musicale

Sa Labor Room (Set C), ang isang doktora ay in-charge sa 30 pasyente bawat araw.


Labor Room

Sa Amoy Pulbos ang mga Alabok sa Ilalim ng Riles ng Tren (Set D), nagkasundo ang magka-live in na sina Chona at Ramil na ang anak nilang si Igit ay malaki ang maitutulong para maibsan ang kanilang paghihikahos.

Continue reading below ↓


Amoy Pulbos ang mga Alabok sa Ilalim ng Riles ng Tren

Sa River Lethe (Set D), umaatikabo ang pagtatalik nina Abe at Mara. May asawa si Abe ngunit hindi niya maipagtapat dito ang totoo niyang kalagayan.


Continue reading below ↓

River Lethe

Virgin si Mara nang makuha ni Abe.

Ibinuyangyang nila ang kanilang kaluluwa. Naglunoy sila sa kamunduhan at paglimot, habang may panahon pa sila.

NOEL FERRER: Bravo sa Virgin Labfest sa pagbibigay sa atin ng mga kakaiba at mapanghamong panoorin.

May hanggang ngayong weekend na lang kayo para panoorin ito, at pagkatapos niyong mapanood ito, pipili ang pamunuan ng VLF ng tatlong pinakamagandang dula na ilalagay sa Revisited Set next year.

If it gives us artists and cultural workers any consolation, ang hindi nagagawa ng mga politiko, at takot ang ibang media na ipakita dahil baka mapag-initan pa sila, ang mga artist ay buong tapang na ipinakikita at pinaninindigan, kaya bilib ako sa mga kasama sa Virgin LabFest!

May your tribe increase!!!

Read Next
Read More Stories About
pep troika, Virgin Labfest
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results