Mother Lily, ipinagkatiwala na kay Roselle Monteverde ang mga pelikula ng Regal

by PEP Troika
Jul 11, 2018

GORGY RULA: Tumawag sa akin si Mother Lily Monteverde para iparating ang pasasalamat sa bumubuo ng SPEEd sa pagpili sa kanyang anak na si Roselle Monteverde bilang Rising Producers Circle, kasama si Veronique del-Rosario ng Viva Films, isa sa The 2nd Eddys Awards.


Sabi ni Mother Lily, sobrang mahal niya ang movie reporters kaya todo ang suporta niya sa grupo ng entertainment editors na bumuo ng Eddys Awards.

Continue reading below ↓

“Sabi ko Roselle, dapat dumating siya para tanggapin ang award kasi mahal ko iyang mga editors.

"Mahal ko ang mga reporters. Malaki ang nagawa ng movie press sa Regal," pahayag ni Mother Lily.


Kahit may mga blogger o vloggers, at namamayagpag ang social media, nandiyan pa rin daw ang pagmamahal at paggalang ni Mother Lily sa mga movie reporter dahil matagal na ang kanilang pinagsamahan.

Ipinaubaya at ipinagkatiwala na rin ni Mother ang lahat kay Roselle, dahil alam daw nito ang pulso ng millennials, at tanggap naman daw niya ang malaking pagbabago ngayon sa mga pelikulang gusto ng moviegoers.

Continue reading below ↓

Support-support na lang daw siya sa lahat ng ginagawa ngayon ni Roselle para sa Regal.

Pero kahit sinasabi ni Mother Lily na nag-a-adjust siya sa malaking pagbabago sa mga pelikulang pinu-produce, malaki pa rin ang kumpiyansa ko sa kanya dahil kapang-kapa pa rin niya ang gusto ng masa.

JERRY OLEA: Love love love ko ang mag-inang Mother Lily at Ma’am Roselle.

Approachable sila, masarap kainterbyuhan, at may mapupulot ka sa insights nila sa kalakaran ng entertainment industry.

Nawa’y magpatuloy ang Regal Films sa pagpoprodyus ng mga pelikula!

NOEL FERRER: We have seen Regal evolve all these years.

And we are happy that they continue producing films and supporting especially newcomers in the industry.

Like Viva also, a lot of adjustments have to be made especially since they are also at the mercy of the networks now (lalo na sa availability ng mga stars).

But na lang na with the digital platform, medyo nai-even out ang equation somehow.

Continue reading below ↓

Pagandahan lang talaga ng content at mas masigasig at creative na pagpo-promote ng mga output.

Congratulations, Roselle and Veronique (and Vincent, actually)!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results