Comedienne, ginawang pulubi ng female singer sa Singapore

by PEP Troika
Jul 11, 2018

JERRY OLEA: Inampon ng isang female singer ang isang comedienne na naghihikahos sa buhay.

Isinasama-sama ni female singer si comedienne sa kung anu-anong raket.

Medyo La Ocean Deep na sila pareho, pero meron pa ring aliw factor ang kanilang tandem.

Nagliwaliw kamakailan si female singer sa Singapore, at bitbit niya roon ang comedienne na kanyang minamahal.

Nalukring ang mga kapamilya ni comedienne sa kanilang nabalitaan.

Ang tsika, rumampa sina female singer at comedienne sa isang mall sa Singapore na tambayan ng mga Pilipino.

Binigyan ni female singer si comedienne ng sumbrero, at pinamalimos ito.

Ginawang pulubi?!

Araaaayyy!!!

NOEL FERRER: Totoo ba ito? Grabe naman yun kung totoo.

May consent naman siguro yung ng comedienne. Sana, ha!

Ang tanong: may nag-abuloy man lang ba? At nakamagkano kaya sila sa raket nila?

#madiskartesilaha

GORGY RULA: Tingin ko, playtime lang iyan.

Mahilig sa ganyan ang grupo nila, at tuwang-tuwa naman si comedienne na pinaglalaruan siya.

Continue reading below ↓

Ang daming Pinoy sa lugar na yun, kaya makikilala at makilala siya.

Actually, in love na naman ngayon ang comedienne.

Proud siyang pinu-post sa kanyang Facebook account ang bagong guwapong boylet na kina-iinlaban niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results