Fr. Jerry Orbos, na-diagnose na may lung cancer

by PEP Troika
Jul 12, 2018

NOEL FERRER: Nag-crack ang boses ni Ali Sotto sa radyo kahapon, July 11, nang ibalita niya ang resulta ng biopsy ng kaibigang pari na si Fr. Jerry Orbos.

Nadiskubreng may stage 2 lung cancer si Father Jerry.


Malapit din si Father Jerry sa atin sa showbiz dahil nagkaroon siya ng radio show sa DZMM at laging naiimbitahang magmisa (kahit sa TV) at magbigay ng blessings sa events.

Continue reading below ↓

Kapatid siya ng aming boss sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na si Sir Tim Orbos.

Si Fr. Jerry ay isang well-loved SVD priest. Mahal siya ng nanay ko na mayroong kopya ng kanyang mga libro.

Isang pari na kilala sa UP ang nag-post nito: “Praying for my dear confrere, Fr. Jerry Orbos, SVD, who was discharged today from the hospital after a biopsy procedure.

"He was diagnosed with stage 2 lung cancer. Tumor in his lungs will be removed on Tuesday, July 17th.

"In faith he says, “All will be well in Jesus’ name. Amen."

Sabi ni Ali Sotto, noong una, inisip ng kampo ni Fr. Jerry na hindi na isapubliko ang sakit nito.

Pero naisip nilang mas malakas ang power of prayers kung maraming magdarasal sa lalong ikabubuti ng kalagayan ni Fr. Jerry.

Please include him in your prayers. God bless us all. Maraming salamat!

GORGY RULA: Natitiyak kong magaan ang patanggap ni Fr. Orbos sa sakit na ito.

Continue reading below ↓

Sa radio program niya dati, marami siyang pinayuhan na dumaan sa ganung pagsubok. Kaya alam na niya paano dalhin iyan.

Isa ako sa magdarasal para kay Fr. Orbos.

JERRY OLEA: Amen.

Read Next
Read More Stories About
pep troika
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results