I Love You, Hater magkano ang kinita nung first day?

by PEP Troika
Jul 12, 2018

NOEL FERRER: Bago pa man kung anu-anong balita ang lumabas, we got a very reliable data from the bookers mismo saying that despite the slow start, the film I Love You, Hater of Star Cinema starring the JoshLia tandem with Miss Kris Aquino closed at PHP5.5 million sa kanyang first-day gross.


Continue reading below ↓

Not bad. But usually, dapat nakaka-close to PHP10M ang first day para maabot ang PHP100M full-run gross mark.

What does this mean?

Fans of the JoshLia tandem and that of Kris should double time organizing block screenings, at sana word-of-mouth shall continue to push people to go to the theaters to watch the film—kahit umuulan, ma-traffic, at ang daming ganap ngayon.

What do you think, Tito Gorgy and Boss Jerry?

JERRY OLEA: Pampamilya ang I Love You, Hater.

Swak din ito sa mahihilig sa hugot, with all the heartaches and betrayals and what have you.

Nasa cast ang bagong Kapuso na si John Estrada bilang Richard, ang ex ng Digital Empress na si Sasha Imperial (Kris Aquino).

Sasha + Richard = ShaChard.

Pahiwatig ba ito na magtatambal muli sina Sharon Cuneta at Richard Gomez sa Star Cinema?

Ang galing-galing ni Ronaldo Valdez bilang Cesar, ang ulyaning ama ni Sasha.

Continue reading below ↓

‘Tsura ni Gloria Romero sa Tanging Yaman (2000)!

Naalala ko rin kay Tito Ronaldo ang patalastas ng McDo na “Karen po.” (Sa mga hindi familiar, watch ninyo sa YouTube).

Pasok sa banga ang pagbanggit kay Ogie Diaz at sa iflix.

Cute ang tandem nina Mark Neumann at Markki Stroem bilang magdyowang bakla.

Parehong masagana ang luhang umagos kina Joco (Joshua Garcia) at Zoey (Julia Barretto).

Mas kumurot sa puso ko ang emote ni Julia.

Bet ko ang line ni Kris na, “Kailangang matuto kang magpatawad.”

Mas bagay na titulo ng movie ay I Love You, Liar.

GORGY RULA: Hindi na rin masama yung PHP5.5M sa first day, at kung masipag lang maghanap ng mag-i-sponsor ng block screening, puwedeng pumalo pa ito hanggang weekend.

Knowing Kris, kaya niyang magparami ng block screenings.

Meron nga akong kaibigang inaayos na ang block screening na i-sponsor niya bilang tulong na lang daw sa pelikula ni Kris.

Continue reading below ↓

Mabait naman daw kasi sa kanilang mag-asawa ang Queen of All Media.

May mga nagtatanong lang sa akin, bakit hindi raw dinadala si Kris ng ABS-CBN sa promo ng naturang pelikula?

Ang JoshLia lang talaga ang ibinebenta nila sa promo bago ang showing.

Sa live coverage nga ng premiere night nung nakaraang Martes, July 10, sina Joshua at Julia lang daw ang in-interview sa TV Patrol.

Sabi naman ng ilang kaibigang reporters na nag-cover, mag-a-alas-nuwebe ng gabi na raw nakarating si Kris kaya hindi na siya umabot sa TV Patrol interview.

Wala naman daw nakakarating sa kanila na directive na huwag isama si Kris.

Teka, sulit ba yung mahigit isang milyong pina-raffle ni Kris sa box-office result ng I Love You, Hater?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results