Pagli-link sa baguhang aktor at mestisang aktres, napurnada dahil sa pagpapakasal ng aktres sa iba

by PEP Troika
Jul 12, 2018

NOEL FERRER: Mananatili itong blind item dahil ang mga taong involved dito ay mas may value kapag hindi napapangalanan.

Ang baguhang aktor, na pinagdududahan na ang pagkalalaki sa unang sabak pa lang sa industriya, ay nahaharap sa isang problema.

Ang kanyang dapat na leading lady, sa pelikulang ginawa para maiwaksi ang pagdududa sa kanya, ay napabalitang engaged at ikakasal na.

So, ang panalangin ng kanyang acting coaches at mentors ay makahanap sana siya ng partner na kakagatin siya despite his pagkalamya.

Pero malamang hindi na rin mangyayari. Wala na ring pagli-link na mangyayari.

Dahil to start with, Tito Jerry at Gorgy, hindi na magii-stick sa isip niyo ang pangalan ng artistang babae na ito na ang claim-to-fame ngayon ay bilang isang model at vlogger touring around the world with her would-be husband na.

Huli siyang napanood sa isang teleseryeng ma-costume pero tapos na yata ang kanyang pagdidiwata.

Gets niyo ba ang diwa ng mga diwata?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Beautiful ang leading lady, and we see her as a beautiful bride who’ll have a beautiful life.

Ang baguhang aktor ay minsan nang nagmaganda, at lalong tumingkad ang pagkatisoy nito sa bisa ng glutha.

Huwag na nating uriratin kung gaano kadalas ang pagmamaganda ng baguhang aktor, lalo pa’t may nakakakiliting episode sila ng kaibigan nating comedian na public servant.

GORGY RULA: Mala-diwata naman ang ganda ng leading lady ni mestisahing aktor.

Pero ang name, hindi artistahin kaya madaling nakakalimutan.

Pero magiging seryoso pa kaya si leading lady sa kanyang showbiz career ngayong mag-aasawa na siya?

Paano na ang pelikula nilang lagi na lang napapanood ang trailer tuwing may premiere night ang pelikulang ipinapalabas ng production outfit na ito?

Tuwing napapanood ko ang trailer, naluluma nang naluluma at napapahikab pa ako sa title.

Kaya nag-focus muna ang lead actor sa isang pelikula niyang ipalalabas next month. Mas interesting yun na ididirek ng isang respetado at magaling na aktor.

Continue reading below ↓

Kaya naman pa-good vibes si aktor para walang nega. Nakipag-ayos na nga siya sa mentors niya, e.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results