Vice Ganda, pinatamaan si Terrence Romeo dahil sa bagong gulong kinasangkutan nito?

by PEP Troika
Jul 12, 2018

GORGY RULA: Ilang netizens ang nagkomento sa Twitter account ni Terrence Romeo tungkol sa sinabi raw ni Vice Ganda sa It’s Showtime kanina, July 12, na “kumusta sa presinto.”

Hindi ko napanood ang naturang episode kanina, pero mabilis na nag-react ang fans na si Terrence daw ang pinatutungkulan ni Vice.


Continue reading below ↓

Mainit pa rin kasing pinag-uusapan ang nangyaring sapakan sa isang bar sa Quezon City kaninang madaling-araw na kinasangkutan ng sikat na basketbolista.

Nag-post si Terence sa kanyang Twitter account na nilinaw niyang hindi siya nakipagsapakan, at hindi siya na-detain sa presinto.

Mas mabuting panoorin na lang daw ang CCTV copy ng naturang bar.

Pero bakit ba pilit pa ring inuugnay si Vice sa lahat na isyung kinasangkutan ni Terrence?

Tingin niyo po, Sirs Noel at Jerry?

NOEL FERRER: Siguro dahil close sila. Hindi ko alam.

Mag-ano ba sina Vice Ganda at Terrence Romeo talaga?

Mag-ano ba sina Terrence at Kris Aquino, na nag reach out sa basketbolista recently?

Mag-ano rin ba sina Kris at Vice Ganda ngayon, mag-“asawa” pa rin ba o nag rigodon na?

JERRY OLEA: “Kapayapaan” ang simpleng tweet ni Vice Ganda kaugnay sa basketbrawl ng Gilas Pilipinas (kung saan member si Terrence Romeo) at Team Australia.

Continue reading below ↓

Nakatisod tuloy si Terrence ng kaibigan kay Kris Aquino... or is it the other way around?

Dating “mag-asawa” sina Vice at Kris.

Ewan kung dating “mag-ano” sina Terrence at Vice.

Kabit-kabit na tuloy ang mga pangalan nina Vice, Kris, at Terrence!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results