Female showbiz personality, noon pa nasabihan ng "ibalik mo ang... ko" ng ex niyang male starlet

by PEP Troika
Jul 12, 2018

JERRY OLEA: “Ibalik mo ang t*m*d ko!”

Viral! Trending sa social media ang video kung saan sinabi iyan ng isang macho dancer sa dati niyang gay benefactor na binabawi ang iniregalo nitong kuwintas at pulseras.

Luma na ang linyang iyon, ayon sa aming TBT (throw back tsika) source.

Iyon mismo ang sinabi noon ng isang male starlet sa isang mabait at matalinong showbiz cougar, na binabawi ang inihatag nitong cellphone worth P35,000.

“Ibalik mo ang t*m*d ko!”

Baklang-bakla ang peg ng mabait at matalinong showbiz cougar sa mga lalaking inibig niya at kinalinga.

Ang male starlet ay tunay na dakila, may taglay na pambihira, at lumabas bilang ekstra sa isang 2006 movie kung saan ang papel niya ay macho dancer.

GORGY RULA: Talagang cougar na ang pagkakilala mo dito sa female showbiz personality?

Kasi naman itong sinasabi mong cougar ay ang hilig ding ipangalandakan ang romantic affairs niya.

Continue reading below ↓

Lalo na kung sikat at guwapong aktor ang nali-link sa kanya, type naman niyang pinag-uusapan ito.

Kaya nung na-link siya sa isang sikat na aktor, tinanong daw itong si aktor ng dati niyang asawa kung totoo ba ang tsismis na yun.

Ang bilis daw ng sagot ni aktor ng “ako ba naman papatol sa mukhang kulugong yun?!”

Grabe sila!

NOEL FERRER: Naku, lalayo pa ba tayo ng example?

Hindi ba may kakilala tayo, Tito Jerry, na nanahimik na lang pagkatapos niyang ibigay ang lahat sa isang tinulungang talent na may extension pa sa pamilya?

Charge it to good karma na lang!

Puwedeng-puwede ring mag-dialogue ang kaibigan natin ng “Ibalik mo ang refrigerator ko” sa isa namang model/title holder/bit player, pero nagtimpi na lang ito at hindi na isinumbong kay Tulfo.

Let us see kung pagkatapos ng Blind Item na ito ay may magbalik ng REF - very much like the unsettled na PAL tickets noong nakaraan.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results