Pagbisita ni Direk Joyce Bernal sa Congress, nag-trending

by PEP Troika
Jul 13, 2018

GORGY RULA: Nag-trending kahapon, July 12, ang pagdalaw ni Direk Joyce Bernal sa Congress, kung saan nag-ocular ito bilang paghahanda sa darating na State of the Nation Address (SONA) ng ating Pangulong Rodrigo Duterte.


Medyo na-upset pa nga siya sa ibang nagkukomento na ikinukumpara ang mga nagawang pelikula ng direktor sa maaaring gawin niya sa SONA sa July 23.

Continue reading below ↓

Sabi ni Direk Joyce, ang gusto lang niya ay makita ang pagmamahal ng Pangulo sa ating bayan sa pamamagitan ng sequencing ng shots niya.

Nakausap ng PEP Troika si PCOO Secretary Martin Andanar sa trade launch ng PTV-4 na ginanap sa Marquis Events Place kagabi, July 12.


Binanggit niyang personal choice ni President Digong si Direk Joyce na magdirek sa kanyang SONA.

Continue reading below ↓

Masaya naman daw sila sa nagawa ni Direk Brillante Mendoza sa dalawang SONA na ginawa ng Pangulo.

Ani Sec. Andanar, “We are happy for Direk Brillante Mendoza’s direction for the last two SONAs. We were satisfied by his work.

“Now, ang gusto ng President ay si Direk Joyce Bernal, and we are excited.

"Alam naman natin na ang bawat direktor, iba’t iba ang mata nila, e. Iba yung atake nila sa production.

"So, we are excited also to see kung papa'no ipu-produce o ididirek ni Direk Joyce itong State of the Nation Address."

Mapapanood ang SONA sa PTV-4, na lalo raw nilang pinalakas ngayon para kaya na nitong makipagsabayan sa ibang malalaking TV networks.

Sa kanilang trade launch nga kagabi ay ipinakita nila ang mga bagong programa, lalo na ang mga news program tampok ang mga kilalang personalidad sa telebisyon.

Sabi pa ni Sec. Andanar, mas marami pang mga bagong programa ang mapapanood mula sa ibang Asian countries.

Continue reading below ↓

“Matagal na po kasing napapabayaan ang PTV.

"Ngayon ay bukod sa mga bagong news programs na na-launch… alam naman natin na talagang pagdating sa social media ay lumakas din ang PTV-4, ang laki po ng engagement namin.

“Nandiyan din po ang programa ng China, ang programa ng Japan, at asahan din po natin ang pag-air ng mga programa sa South Korea.

"Sapagkat kapipirma lang po natin ng isang Memorandum of Understanding between PCOO and our counterpart sa South Korea para po maipalabas natin ang mga Koreanovela galing sa Korea.

JERRY OLEA: Magkaibang-magkaiba ang istilo ng pagdidirek nina Brillante Mendoza at Bb. Joyce Bernal.

Cannes best director si Brillante para sa indie movie na Kinatay, at pinapanalo niyang best actress sa Cannes si Jaclyn Jose para sa indie movie na Ma’ Rosa.

Sa mga SONA na idinirek ni Brillante, na-highlight ang pagiging strong and powerful ni Duterte.

Continue reading below ↓

Blockbuster director si Bb. Joyce.

Antabayanan natin kung paano ipapakita ni Bb. Joyce ang pagiging makabayan ni PRRD, ang pagiging ama ng ating bansa.

NOEL FERRER: Nang makausap si Bb. Joyce Bernal, ang sabi niya ay gusto niyang sa gitna ng lahat ng isyung bumabalot sa Presidente ngayon ay mangibabaw ang sense of patriotism sa coverage ng SONA ngayon.

Sana nga ma-achieve yun next next week.

As for the government network launch, totoo bang ang superstars nito, aside from the presidential allies at si Martin Andanar, ay sina Mico Aytona at si Jojo Alejar? #abayexciting

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results