Mommy Carol Santos, mas gusto ang Aegis kesa foreign concert artists

by PEP Troika
Jul 14, 2018

NOEL FERRER: Kasama ko kagabi si Mommy Carol Santos, ang ina ng Teleserye Queen na si Judy Ann Santos, sa panonood ng 20th Anniversary Concert ng paborito niyang grupo na Aegis sa Araneta Coliseum.


Puno—as in majorly-filled ang Big Dome sa concert ng popular na grupo, at lalo pang nangningning ang gabi with the presence of big stars like Jericho Rosales, Karla Estrada, TNT Boys, Anne Curtis, Vice Ganda and Regine Velasquez sa naturang concert.

Continue reading below ↓

Ubusan ng boses at patibayan ng baga ang labanan, at talaga namang napakahusay at walang kapaguran ang grupong Aegis.

“Halimaw kayo ‘te,” ang sabi ng Asia’s Songbird dahil kahit kumanta sila ng harhar na kanta tulad ng “Malaya Ka Na” ni Moira dela Torre ay buong husay na pagbirit pa rin nilang nagawa ito.

Tinanong namin si Mommy Carol sa kanyang assessment pagkatapos ng concert, at heto ang sabi niya: “Heto na ang pinakamagandang concert na napanood ko sa kanila!”

Hanggang sa dulo sa paglabas niya ng Big Dome ay umiindak at kumakanta pa siya ng “I’m So Excited” na last song ng Aegis. (English song yun ha!)

Dumalo din sa concert sina Sam Milby at Yen Santos (ng teleseryeng Halik na siyang papalit sa soap ni Piolo, Donita Rose, Melay Cantiveros, Direk Ruel Bayani at Inang Olive Lamasan.

Continue reading below ↓

After nito at magwu-world tour ang Aegis sa US at Canada. At isa sa mga pupuntahan nila ay ang Winnipeg sa Canada sa November 4.

Ang sabi nga ni Mommy Carol, “Kahit pa may dumating pa na major na foreign artist at iinaalok pa ako ni Juday na bibilhan ako ng ticket para doon, ayoko na siyang gumastos pa sa foreign artist na yun. Sa Aegis pa rin ako!”

JERRY OLEA: Aegis rocks!

Sa mga milenyal na sandamukal ang hugot at emote sa pag-ibig, swak na swak ang mga kanta ng Aegis.

Kumukurot sa puso, humahangod sa kaluluwa.

Nakakintal na sa ating diwa ang mga awit nilang Luha at Basang-basa sa Ulan.

GORGY RULA: Noon pa dapat mag-concert sa isang malaking venue ang Aegis, at mukhang tamang timing na itong malaking concert nila.

Sa totoo lang, kahit wala silang show dito, umaariba naman sila sa ibang bansa.

Kaya next year pa raw ang susunod nilang schedule dahil punung-puno na hanggang end of this year.

Continue reading below ↓

Congratulations sa Aegis!

Read Next
Read More Stories About
Araneta Coliseum, Aegis
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results