Misis ni Mike Tan, nakatakdang magsilang ng kanilang panganay sa December 2018

by PEP Troika
Jul 16, 2018

NOEL FERRER: Mike Tan already made it public in his post!

But before that, bilang ninong niya sa kasal, hindi na rin niya napigilang ibahagi ang good news na nagdadalantao na ang kanyang misis.

20 weeks old na ang kanilang magiging baby, at due ito ng December.

"Children are a gift from the Lord; they are a reward from Him." --Psalm 127:3 (NLT)

A post shared by Mike Tan (@imiketan) on

Biruan namin ni Mike, dahil pareho kaming December ipinanganak, sana hindi lang iisa ang birthday at Christmas gift ng magiging anak niya.

Kahit anong gender ng anak ay okey lang sa kanya, pero mukhang babae raw ang dinadala ng kanyang misis.

Nagbatuhan kami ng mga posibleng pangalan dahil tulad namin ay malapit sa Pasko ang aming mga kaarawan.

“Basta ang usapan namin, kapag babae ang magiging baby, siya ang mag-iisip ng pangalan, kapag lalaki, ako ang in-charge,” sabi ni Mike.

Sinabi kong alagaan niya nang maigi ang misis niya, at oo naman daw.

Sabi ni Mike, "Ang role ko ngayon, P.A., driver, cook niya."

Continue reading below ↓

Binabati namin si Mike Tan sa masayang balitang ito sa pagsisimula ng panibagong linggo.


JERRY OLEA: Thirty-one years old na si Mike Tan. Nasa tamang edad at estado na siya para maging ama.

Andaming kaibigang artista ang nag-congratulate sa kanya sa Instagram.

“Welcome to the club,” sabi pa Marco Alcaraz.

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Congratulations kay Mike Tan!

Nakakatuwa ang Kapuso actor na ito dahil parang lahat ng nangyayari sa buhay niya ay pinaplano niya nang maayos.

Matagal din silang magkasintahan ng asawa niya, pero hindi sila nagmadali.

Hinintay ang tamang panahon para magpakasal, at pati ang magka-baby ay dumating sa panahong handang-handa na siyang maging ama.

Sabi nga ni Mike, after the wedding, parang ang daming nabago. Iba na yung priorities lalo na’t bumubuo na sila ng pamilya.

Malamang na mas malaki ang mababago sa kanya pag dumating na ang baby nila.

Alam niyo bang may isa ring aktor na kinumpirma sa aming nagdadalantao na rin ang misis niya?

Ayaw lang daw niyang i-announce pa sa publiko dahil medyo maselan ngayon ang kalagayan ng kanyang asawa.

Kapag okay na okay na raw, doon niya sasabihin.

Basta soon ay ia-announce din niya kapag makita niyang okay na okay na ang kalagayan ni Misis.

Continue reading below ↓

Nagpapatulong nga siya sa aming ipagdasal na maging okay ang kalagayan ng misis niya na kailangan munang mag-bedrest.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results