Video scandal ng model-actor, wanted ng yayamaning negosyante sa Amerika

by PEP Troika
Jul 16, 2018

JERRY OLEA: Hinayang na hinayang ang isang yayamaning negosyante at hindi niya nakuha ang sex videos na tampok ang dalawang pogilicious actor-model.

Bading ang yayamaning negosyante, at nakumbinsi siya ng kaibigang bading na magprodyus ng indie movie.

Epic ang budget na hiningi ni gay friend kay yayamaning negosyante na sa Amerika nakabase.

Nagtiwala ang yayamaning negosyante, at walang nerbiyos o pag-aalinlangan na ipinagkaloob ang P50M para sa launching movie ng isang baguhang modelo na sandamukal ang titles sa mga bikini contest.

Teka!!!

Indie movie... P50M ang budget?!

Ano ‘yun?!

Binola-bola lang pala ng bading na kaibigan si yayamaning negosyante.

Fifty million pesos na ang inilabas ni yayamaning negosyante para sa indie movie na baguhan ang bida, at karamihan sa co-stars ay starlet, La Ocean Deep o The Who... pero kinakapos pa rin sa budget ang historical & hysterical movie of the new millennium?

Tipid-tipiran ang mga ganap!

Continue reading below ↓

Tumpak ganern, may magic sa production cost! May dagdag-bawas! May hocus-pocus!

Ibinili ni gay friend ng luxury car si dakilang model-actor na pagkaganda-ganda ang kasintahang dalaga.

Kaya nagpaubaya si model-actor na ma-video ang nangyari sa kanila.

Naka-focus ang camera sa talent portion ni bading para sa Sing Galing.

Hindi kita ang mukha ni dakilang model-actor, pero paulit-ulit na inuusal ni bading ang kanyang pangalan na animo’y naglilitanya sa pagsamba.

Hinatagan din ni gay friend nang bonggang-bonggang gifts ang isa pang model-actor na kahawig ng isang matinee idol.

Pumayag din ang kalokah-alike ng matinee idol na makunan ng scandalicious video.

Kaya ang indie movie ang nag-suffer.

Ang ending ng yayamaning negosyante... Magdusa Ka!

Inamin ni gay friend kay yayamaning negosyante ang kanyang kasalanan.

Pinatawad ni yayamaning negosyante ang kaibigang bading, pero nangako siyang hindi na magpapabola rito.

Hindi niya malilimot ang panloloko sa kanya, pero ayaw niyang magtanim ng galit.

Continue reading below ↓

Matapos makamit ni kaibigang bading ang pagpapatawad ni yayamaning negosyante, isinumpa niya ang mga taong sa tingin niya ay may atraso sa kanya, saka siya nagbigti.

Tegi bumble bee.

Tigok ever si kaibigang bading.

Nasa Amerika noong panahong iyon si yayamaning negosyante, at wala siyang panahon upang magpaalam sa kaibigang bading sa huling pagkakataon.

Tagos sa kaluluwa ni yayamaning negosyante ang panghihinayang at hindi napasakamay niya ang cellphone ng bading na kaibigan.

Bukod sa sex videos katambal ang dalawang model-actor, may iba pang sex videos doon ang bading kasama ang kung sinu-sino pang showbiz wannabes.

NOEL FERRER: Naku, Tito Gorgy, parang isinumpa ang pelikulang ito dahil bukod sa may nalugi at may nagpakamatay: 1. nasaan na ang lead aktor ng pelikula?; 2. nasaan na rin ang direktor nito na kinakantiyawang may Kamay Ni Gilda?; 3. naghiwalay na rin itong model-actor na kinabaliwan ng kaibigan ng producer sa kanyang magandang girlfriend.

Ang tanging namamayagpag dun ay isang kaibigan nating nag-reinvent na at nasa ibang larangan na.

Continue reading below ↓

Hindi ba’t ingat na ingat siyang hindi masaktan ang damdamin mo noon, Tito Gorgy, nang ginawa niya ang pelikula?

At least, may blessing mo naman lahat ng mga naganap sa pelikula.

GORGY RULA: Wala naman pong ganun, Sir Noel.

Ingat lang po sa mga comment at baka may mag-ingay na naman po si manager/columnist (joke!)

Sa totoo lang, nadala na talaga si yayamaning producer sa pag-produce ng pelikula dahil bukod sa laki ng nailabas niyang pera, isang kaibigang matalik ang nawala dahil lang sa proyektong ito.

Pero doon daw niya talaga napatunayang lahat ay may katapat.

Pag may nagawa kang mali, hindi mo talaga maiwasan ang karma.

Curious na lang ngayon si produ kung nasaan na si model-actor dahil hinding-hindi pa rin daw niya nakakalimutan ang sex video na ipinakita sa kanya ng namayapang kaibigan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results